Maxene tuwang-tuwa nang makapasok uli ng sinehan; nagbigay ng 8 benefits ng regular na pagtakbo

Maxene Magalona, Frank Magalona at Denise Buencamino

Maxene Magalona, Frank Magalona at Denise Buencamino

TUWANG-TUWA si Maxene Magalona dahil makalipas ang mahigit dalawang taon ay muli siyang nakapanood ng pelikula sa sinehan.

Ibinahagi ng Kapamilya actress sa social media ang mga litrato habang kumakain siya sa isang restaurant pati na ang panonood ng sine kasama ang kanyang kapatid na si Frank Magalona at kaibigang si Denise Buencamino.

Sabi niya sa caption ng kanyang Instagram post, “My kind of Friday night.

“Vegan food + a movie date with @fmam and @denbuen after 2 years of not being able to go to the cinemas! This is clearly an Instagram moment.

“Let this be a reminder for all of us not to take even the smallest things in life for granted,” pahayag ng aktres.


Paalala pa niya sa lahat ng pamilyang Pinoy, “Savor every moment with your loved ones and create as many beautiful memories with them while we are all still here on earth.

“Thank You, God for reopening the cinemas! We are forever grateful!” mensahe pa ni Maxene.

Samantala, sa isa pa niyang IG post, ibinahagi naman ng Kapamilya star ang mga “benefits of mindful running for mental and spiritual health.”

Inisa-isa niya ang magagandang resulta nito sa isang tao, unang-una na nga riyan ang pag-iwas sa kanegahan sa ating paligid.

“1. Reduces stress.
“2. Releases negative energy such as anxiety, fear, anger and depression.
“3. Increases self-esteem and boosts confidence levels.
“4. Improves the quality of inner energy.
“5. Sparks creative inspiration.
“6. Improves overall well-being.
“7. Opens eyes and heart to the beauty of life.
“8. Strengthens connection to God.

“Have you ever tried running not just to lose weight or maintain physical fitness but to actually train your mind and nourish your soul? I highly recommend it,” pahayag pa ni Maxene na hanggang ngayon ay tahimik pa rin sa chikang hiwalay na sila ng asawang si Rob Mananquil.

https://bandera.inquirer.net/284069/maxene-sa-paglaban-sa-mental-health-problem-its-ok-not-to-be-ok

https://bandera.inquirer.net/302286/ang-hirap-pa-ring-mag-convince-ng-tao-na-manood-sa-sinehan
https://bandera.inquirer.net/281034/janine-atat-na-atat-nang-manood-sa-sinehan-jc-magta-travel-abroad-pagkatapos-ng-lockdown

Read more...