Ogie naging ‘kawawa’ raw nang pakasalan si Regine, nabawasan nga ba ang kasikatan?

Regine Velasquez, Ogie Alcasid at Nate Alcasid

Regine Velasquez, Ogie Alcasid at Nate Alcasid

SINAGOT ng tinaguriang ultimate singer-songwriter na si Ogie Alcasid ang mga taong nagsasabing nawala ang sarili niyang identity sa entertainment industry mula nang maging asawa niya si Regine Velasquez.

Mula raw kasi nang pakasalan niya ang Asia’s Songbird ay nabawasan na ang kanyang kasikatan at mas kilala na lang daw siya ngayon bilang “asawa ni Regine Velasquez.”

Sa unang pagkakataon, pinatulan na nga ng Kapamilya singer at “It’s Showtime” host ang mga netizens na patuloy na minamaliit ang estado niya sa mundo ng showbiz.


Sa pamamagitan ng kanyang Twitter account, marespeto pa ring binuweltahan ng TV host-singer at aktor ang isang netizen na nag-post ng malisyosong mensahe.

Tila pinalalabas nito na wala raw sigurong career ngayon si Ogie kung hindi niya napangasawa si Regine.

“I saw a tweet before that na kawawa ako kasi I was reduced to ‘husband of Regine,’” bahagi ng tweet ni Ogie.

Pero ipinagdiinan ng singer-songwriter na hindi siya naniniwala sa sinasabi ng iba na naging kawawa siya dahil pinakasalan niya ang nag-iisang Songbird.

“Hey my bro, just want to let you know that I take pride in being husband to the kindest and most loving human one can ever meet. Peace,” depensa pa ni Ogie.

Sumagot naman si Regine sa tweet ng kanyang asawa, “I love you morest baba,” na sinundan pa ng heart emoji.

Nag-reply din si Ogie sa post ng asawa at sinabing, “I love you morestest.” Na sinagot agad ni Regine ng, ”Baba!!! Bakit yung akin moretest???!!! Negative ako.”

Sey naman ni Ogie kay misis, “Cute mo naman.”

Mahigit isang dekada nang nagsasama bilang married couple sina Ogie at Regine. Ikinasal sila noong 2010 at biniyayaan nga ng isang anak, si Nate Alcasid.

Ogie umamin kay Regine, nagselos kina Piolo at Robin: Na-insecure ang lolo mo, tsaka ang popogi, e!

Wish ni Ogie tinupad ng Showtime, madlang pipol nag-enjoy: Laughtrip kahit wala si Vice!

Ina certified hot mama: Sa loob ng 5 taon ang roles ko inaapi, kawawa, zombie pero ngayon iba naman!

Read more...