PINATULAN ng aktres at celebrity mommy na si Rica Peralejo ang ilang netizens na kumokontra sa pagtakbo ng presidential candidate na si Leni Robredo.
Isa si Rica sa mga kilalang celebrities na certified Kakampink, sa katunayan talagang nag-effort siya para personal na makiisa sa proclamation rally ng kanyang kandidato sa Cesar C. Climaco Freedom Park, sa Zamboanga City, noong March 17.
Pero dahil sa lantarang pag-eendorso ng aktres kay Vice President Leni ay hindi rin siya tinatantanan ng mga bashers, kabilang na nga riyan ang mga supporters ni former Sen. Bongbong Marcos.
Sa kanyang Instagram account, nag-post si Rica last March 20 ng mga litrato kung saan kasama niya ang iba pang personalidad tulad ng mga kaibigan niyang sina Jolina Magdangal at Nikki Valdez.
“Ang rally ni Mam talaga ay parang isang malaking reunion. Hindi ito magulo, marahas, o mapanira. Mapagmahal lang talaga at radikal.
“Ang saya talaga ng feeling pag andun ka, parang isa kasing malaking party! Ang mga rally din ni Mam ay puno ng artists, creatives, students, and many many more. At yes, hindi kami bayad,” ang caption ni Rica sa kanyang IG photos.
Binasag din niya ang mga taong nagkokomento na hindi naman daw si VP Leni ang pinupuntahan ng mga tao sa rally kundi ang mga celebrities na nagko-concert on stage.
“May nagsasabing concert lang naman talaga ipinupunta ng tao sa rally at kung totoo man yun EH ANO NGAYON?
“Eh kaya nga nangangampanya para makakumbinsi ng di pa desido. Maigi ng makahikayat ng marami pang tao. Sa huli, if ito ang rason ng pumunta, panalo pa rin kami!” pahayag ni Rica.
“Kaya ito nalang ang masasabi ko: di pa nananalo si mam sa lagay na ito eh, nag uumapaw na ang volunteers.
“Sa totoo lang ang problema na ngayon sa mga rallies ay paano paiksiin ang programa kasi pag isinama lahat ng influential people na gusto magendorse kay mam eh baka overnight na tayo abutin.
“So ayun, isipin nyo nalang yung implication na kapag siya ang nanalo, gaano karami pang taong kikilos para tulungan ang mga proyekto at adhikain ni mam diba?
“Ganun kasi siya. She has the gift not only of gathering people, but of mobilizing them. She able to put the right people together and also set things in motion. She is the true movement — a diverse set of people groups coming together to support her cause,” pahayag pa ng aktres.
Nauna nang binanatan ng mga kontra kay VP Leni ang mga Kapamilya stars na nagpupunta sa kanyang campaign sorties. Anila, gusto lang daw nilang manalo ito para maibalik na ang prangkisa ng ABS-CBN.
https://bandera.inquirer.net/289973/rica-peralejo-hinangaan-sa-post-tungkol-sa-self-love
https://bandera.inquirer.net/289356/mag-asawang-rica-peralejo-at-joe-bonifacio-may-6-tips-para-sa-mga-single
https://bandera.inquirer.net/303972/rica-maraming-pangakong-napako-dahil-sa-anak-payo-sa-mga-mommy-never-stop-listening-to-your-kids