Troy nag-propose na kay Aubrey sa Bora: Together 18 years, engaged 8 hours…here’s to forever with you

Troy Montero at Aubrey Miles engaged na!

Troy Montero at Aubrey Miles

MAKALIPAS ang halos dalawang dekadang pagsasama bilang magdyowa, nag-propose na finally si Troy Montero kay Aubrey Miles.

Yes, engaged na ang celebrity couple after 18 years as live-in partners kaya naman tuwang-tuwa ang kanilang respective families and celebrity friends.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, ibinandera ng aktor at businessman kahapon ang good news kalakip ang ilang litrato nila ni Aubrey na kuha sa Boracay habang nasa kayak.

“Together 18 years, Engaged 8 hours… Here’s to Forever with you!” aniya sa caption kung saan naka-tag si Aubrey.

Bumuhos naman sa social media ang pagbati ng mga netizens para sa engaged couple kabilang na riyan ang mga comments ng kanilang celebrity friends.

Isang buwan mananatili sa Boracay sina Aubrey at Troy kasama ang kanilang mga anak na sina Hunter at Rocket at ang panganay ng aktres na si John Maurie sa dati niyang karelasyon na si JP Obligacion.

Nito lamang nagdaang March 16 ay nag-celebrate si Aubrey ng kanyang 42nd birthday sa Boracay. Nag-viral at naging trending topic pa sa socmed ang daring photo na ipinost niya sa Instagram kung saan halos mag-hello na ang kanyang boobs habang nakalublob sa bathtub.


Nauna rito, ibinalita nga nina Aubrey at Troy na pansamantala muna silang maninirahan sa Bora para maranasan ng kanilang mga anak ang island life.

Last September, 2021 nag-celebrate na ng kanilang 18th anniversary as a couple sina Troy at Aubrey.

https://bandera.inquirer.net/308297/aubrey-miles-halos-mag-hello-ang-boobs-sa-pasabog-na-topless-photo-habang-nasa-bathtub
https://bandera.inquirer.net/307438/live-from-the-field-2
https://bandera.inquirer.net/280717/liza-dinenay-na-nag-propose-na-si-enrique-if-i-was-engaged-i-wouldnt-hide-it

Read more...