NAKATIKIM ng maaanghang na salita ang Kapamilya broadcast journalist na si Karen Davila nang makita siya sa UniTeam caravan at campaign rally ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa Cavite.
Naging hot topic ng mga netizens sa social media ang pagsama ni Karen sa pangangampanya ni Bongbong at ng iba pa nitong kapartido kahapon, March 22, sa ginanap na grand proclamation rally ng UniTeam sa General Trias, Cavite.
Maraming BBM loyalists ang na-shock nang maispatan nga nila ang TV host at news anchor na nasa sasakyan ng presidential candidate habang kumakaway at kumakamay sa mga taga-Cavite. Ang alam kasi nila ay isang “anti-Marcos” si Karen.
Sabi ng ilang netizens, baka raw bumaligtad na si Karen dahil nalaman nito na karapat-dapat din si Bongbong na maging pangulo ng bansa.
Tweet naman ng isang netizen, “Buti naman at pinayagan ng uniteam si Karen Davila na makisabay sa caravan. We all know na sagad to the bones pagkadilawan niyan! Iba talaga kapag mababait At walang halong paet!”
“Yarn na nga ba, Karen for the win. Hahaha! Dahil sa pagsama niya sa kampanya ni BBM alam na! Asahang marami pa silang babaligtad in the next few days.”
Sey naman ng isa pang supporter ni Bongbong, “Hayaan na natin si Karen Davila na sumama sa caravan ni BBM para malaman nya kung gaano ka lakas si BBM sa mga tao.”
Pero nilinaw naman agad ni Karen sa pamamagitan ng kanyang Twitter account ang pagsama niya sa caravan ni BBM.
Binigyan-diin ng TV host na trabaho lang at walang personalan ang pagpunta niya sa kampanya ng dating senador. Bahagi raw ito ng kanyang trabaho para sa election campaign series ng ABS-CBN.
Ang na-assign na coverage sa kanya ay sina Bongbong at Sen. Manny Pacquiao.
“ABSCBN’s Kampanya Serye On The Road & Presidential Intvws shoots today. I have been assigned to trail Presidential Aspirants Bongbong Marcos & Sen Manny Pacquiao. Henry Omaga Diaz is covering VP Leni Robredo & my co-anchors have been assigned to other candidates. #Halalan2022,” pahayag ni Karen.
Naglabas din siya ng litrato nila ni Pacquiao sa Twitter bilang sagot sa mga “fake news” na ipinakakalat ng ilang netizens sa social media.
“Eto po ang resibo sana huwag magkalat ng fake news. Finished my one on one w Sen Manny Pacquiao a few nights ago, will still be joining him on a sortie soon.
“Today, I am with former Sen Bongbong Marcos for the day. Watch out for the ABSCBN SPECIALS #Halalan2022 soon!” sabi ng news anchor.
Kasunod nito, nag-post din siya sa kanyang Instagram Story para linawin ang pekeng balita na si BBM ang ineendorso niyang presidential candidate.
“Guys, I am on assignment. Behind the scenes, upclose with the presidential candidates. I am not endorsing or campaigning for any candidate. Trabaho po ito,” diin ni Karen Davila.
https://bandera.inquirer.net/308435/parokya-ni-edgar-agsunta-cong-tv-itinangging-parte-ng-uniteam-campaign-rally
https://bandera.inquirer.net/300467/hirit-ni-bongbong-kay-direk-paul-soriano-ano-ang-sikreto-mo-at-fresh-ka-kahit-nasa-initan
https://bandera.inquirer.net/295905/na-kay-vp-leni-ang-momentum-para-sa-2022