The CompanY: Para kaming wine, the more we age, lalong sumasarap!

The CompanY may bagong hugot album

The CompanY

SIGURADONG matutuwa ang loyal fans ng iconic OPM vocal harmony group na The CompanY dahil finally ay nakabuo na uli sila ng bagong album — ang “Gitna”.

Patutunayan muli ng The CompanY ang kanilang musical versatility sa bago nilang album na isang koleksyon ng mga awitin na tumatalakay sa iba’t ibang tema ng pag-ibig.

Ito na ang ika-29 album ng The CompanY na kinabibilangan nina Annie Quintos, OJ Mariano, Moy Ortiz, at Sweet Plantado at ang unang album na inilabas nila sa ilalim ng Star Music ng ABS-CBN.

Maririnig dito ang pag-explore ng grupo gamit ang mga modernong istilo ng musika at iba’t ibang genre gaya ng pop, jazz, electronica, dance, at acoustic folk.

Ang pamagat ng album na “Gitna” ay siya ring titulo ng key track nito at sumisimbulo sa “core” ng grupo sa harap ng mga pagbabago at kaguluhan sa musika at buhay.

Sa naganap na virtual album launch ng OPM group kahapon, sinabi ni Sweet na pinili nila ang “Gitna” bilang key track dahil kakaiba ito.

“Marami kaming pinili from the Star Music catalogue pero dito kami nag-zoom in kasi it’s not the usual love story, paggamit ng salita, and ‘yung marriage ng lyrics and melody iba. Tapos Moy had this idea na gawin siyang duet, so nu’ng binigay siya sa amin ni OJ, siyempre nag-iba ‘yung kulay,” paliwanag niya.

Along with the release of the full album, the music video of “Gitna” will also come out on YouTube on Thursday night.

“’Gitna’ kasi has a very particular storyline. Siya ‘yung tipong kanta or kwento na kapag narinig mo, makaka-relate ka in so many levels,” sey naman ni OJ.

“Nu’ng ginawa namin ‘yung music video, us being theater artists, kating kati na talaga kami umarte ulit. The time we were doing it at the beach, that confrontation part, may kakaibang gigil na nangyari. You could all see it in the video. Ang sarap lang kantahin nung kanta talaga,” dugtong pa ng veteran singer.


Ayon kay Moy, hindi rin naging madali para sa kanila ang pagbuo ng bago nilang album, “The challenge was the songs of the new generation songwriters, the way they compose music now is not so much formulaic.

“Hindi mo alam kung saan papunta ‘yung structure at ‘yung melody. Ito ay nakikita sa awiting ‘Gitna.’ In the middle of the song merong rap.

“Ang comment nga ng aking pamilya, it’s very theatrical. In this way, we are able to focus and highlight the theatrical skills of Sweet and OJ but in a pop venue,” paliwanag pa niya.

Dagdag pa ni Moy, “We are always willing to be progressive musically and on stage performance-wise, to learn the new styles, the new ways to express OPM.

“Personally as a musical director, I am very satisfied and grateful to my singing partners and people in Star Music Philippines for allowing us to be experimental also in this album,” lahad pa niya.

At sa tanong kung ano pa ang aasahan ng kanilang fans sa kanilang album, sabi ni Sweet, “I think para kaming wine, the more we age, lalong sumasarap. I think sometimes, nandoon kami sa point na ano pa ba ang pwede naming gawin.

“Pero actually, if you don’t stop creating, we surprise even ourselves na kaya pala namin. It’s just taking risk sometimes. You’ll never know if you don’t try,” paglalarawan pa niya sa The CompanY.

https://bandera.inquirer.net/286624/heart-inirampa-ang-swimsuit-na-nagkakahalaga-ng-p40k-nagpapatayo-na-ng-beauty-company

https://bandera.inquirer.net/286965/maris-sa-25-years-age-gap-nila-ni-rico-its-really-a-normal-relationship

https://bandera.inquirer.net/292338/fdcp-nakiusap-sa-mga-movie-company-hindi-talaga-tayo-pwedeng-kumikilos-ng-kanya-kanya

 

Read more...