Jericho sasabak sa matinding training para sa international prison action series na ‘Sellblock’

Jericho Rosales bibida sa crime drama na Sellblock

Jericho Rosales

MAKALIPAS ang halos apat na taong pamamahinga, muling sasabak sa matinding aktingan ang award-winning Kapamilya actor na si Jericho Rosales.

Handang-handa na si Jericho na gampanan ang isa na namang challenging role na siguradong magmamarka sa mga manonood — ito’y para nga sa international prison action series na “Sellblock”.

Magsasanib-pwersa sa napakabonggang project na ito ang ABS-CBN International Production and Co-Production division, BlackOps Studios Asia, Psyops8, Story Arch Pictures at Agog Film Productions.

Ayon sa aktor,  ipinaalam sa kanya ang “Sellblock” tatlong taon na ang nakalipas at agad niyang nagustuhan ang proyekto.

“It’s always very exciting to do new things, especially groundbreaking projects and I felt that ‘Sellblock’ is one of those.

“It was presented to me at the time when I was looking for projects with more grit, projects that would push me, motivate me to try out new things, out of the box stuff, even character roles,” aniya pa.

Ito ang magsisilbing comeback project ni Echo matapos ang kanyang 2018 top-rating series na “Halik,” kaya naman puspusan ang kanyang research at training para sa papel niya sa serye kasama ang isang New York-based acting coach para sa “fresh experience” na ito.

“Working on this kind of project would push me to prepare in ways that I haven’t done before so I kind of love that fresh experience. There’s a little nervousness on my part and when I get nervous about something it means that it’s a good thing,” chika pa ni Jericho.

Pangarap din daw talaga ng aktor na makatrabaho ang mga mahuhusay sa industriya kaya hindi niya pinalagpas ang oportunidad.

“My dream has always been to work with the best in the world. The best actors, best directors, best people in production, best scripts, the best locations. Who doesn’t want that, right? When an opportunity like this comes, you don’t sleep on it.


“You respond right away. When it was presented to me, I really liked it. Unfortunately, COVID-19 happened, but I’m really glad that ‘Sellblock’ is back. And I hope this opportunity will open new doors in the international scene, not just for me, but for all the great Filipino talent behind this project,” dagdag pa niya.

Makakasama ni Jericho sa “Sellblock” sina Tirso Cruz III, Cherry Pie Picache, Ronnie Lazaro, Rosanna Roces, Mon Confiado, RK Bagatsing, at Pepe Herrera. Dagdag inspirasyon din daw para kay Jericho ang mainit na suporta ng fans sa “Sellblock” na nabasa niya online.

Masaya rin si Jericho sa direksyon na tinatahak ngayon ng ABS-CBN para mas bigyang pansin ang talentong Pilipino ng global viewers.

“I’m excited that ABS-CBN is focusing on international projects and bringing talents, helping them get discovered and be seen not just in the Philippines, but all over the world,” aniya pa.

Inanunsyo ang “Sellblock” sa international news site na Variety sa 2022 Hong Kong Filmart.

Patuloy ang pakikipagsanib-pwersa ng ABS-CBN para sa mga international project upang mas makilala pa ang mga kwentong Pilipino at talento sa buong mundo.

Kamakailan lang, inanunsyo ang pagiging bahagi nito sa proyektong “Concepcion,” isang crime drama tungkol sa paghahari ng isang pamilyang Pilipino sa isang lugar sa Amerika. Makakasama rito si Shaton Cuneta.

Nitong Pebrero, ipinakilala rin ang cast ng “Cattleya Killer” sa pangunguna ni Arjo Atayde na ipapalabas din sa buong mundo. Nasa likod rin ito ng “Almost Paradise,” ang unang American TV series na kinunan sa Pilipinas na pinroduce nito kasama ang Electric Entertainment mula sa Hollywood.
https://bandera.inquirer.net/306424/jericho-rosales-ibinandera-ang-bagong-bahay-sa-new-york-anong-oras-dadaan-ang-taho

https://bandera.inquirer.net/307109/jericho-sumabak-pa-rin-sa-acting-workshop-sa-new-york-kahit-best-actor-na-sa-pinas
https://bandera.inquirer.net/306122/james-reid-isa-sa-pinagpipilian-para-bumida-sa-intl-prison-drama-na-sellblock

Read more...