Barbie ipinagmalaking marunong nang mag-drive, kinarir mag-park sa GMA: Grabe, na-survive ko ‘yun!

Barbie Forteza ipinagmalaking marunong nang mag-drive

Barbie Forteza

IBINANDERA ng Kapuso actress at tinaguriang GMA Primetime Princess na si Barbie Forteza na feeling mas independent na siya ngayon dahil sa natamong bagong achievement.

Excited na ibinalita ng girlfriend ni Jak Roberto sa kanyang fans at social media follower na sa wakas ay marunong na siyang mag-drive ng sarili niyang sasakyan.

Kuwento ng dalaga, nag-enrol siya sa isang driving school at kamakailan lamang ay natapos na niya ang lahat ng requirements para maging legal at certified driver.

Sey ni Barbie, ramdam na ramdam niya ang pagiging mature ngayong marunong na siyang mag-drive.

“I feel more independent and nararamdaman ko na talagang tumatanda na ako.

“Hindi na kailangan palaging nandiyan ang Daddy ko para ipag-drive ako. Siyempre may mga times na dapat ako na lang mag-isa, kaya ko naman,” pahayag ni Barbie sa panayam ng GMA.

Chika pa ng dalaga, tuwang-tuwa raw siya nang subukan niyang magmaneho patungong GMA Network Center sa Timog, Quezon City.

“GMA basement (parking), grabe, na-survive ko ‘yun! Ang challenging nu’n! Kahit ‘yung pababa pa lang ng basement, ang challenging pero kinaya ko naman,” ang very proud pang sabi ni Barbie.

Nang tanungin kung may dream destination ba siya para sa isang road trip, “Siguro ‘yung pinaka-realistic na gusto kong mapuntahan na ako ang magda-drive, sa Tagaytay. Gustung-gusto kong pumunta doon. Food trip tapos maganda ‘yung weather.


“Sana hindi ako antukin. Sana hindi traffic. ‘Yun lang naman,” ang natatawa pang chika ng dalaga.
Samantala, balak munang magpahinga sandali ni Barbie pagkatapos ng huli niyang teleserye sa GMA, ang “Mano Po Legacy: The Family Fortune”.

“For now, I will spend some time with my family again. Also with myself, na-enjoy ko ang ‘me time’ ko ngayon.

“But every now and then, yes, may work pa rin naman. You still see me sa All Out Sundays,” ang dagdag pang chika ng aktres.

https://bandera.inquirer.net/304477/sunshine-puring-puri-si-barbie-ang-galing-laging-take-one-im-really-impressed
https://bandera.inquirer.net/284791/jak-payag-maghubot-hubad-sa-movie-pero-si-barbie-handa-na-bang-magpaka-daring

https://bandera.inquirer.net/302821/barbie-jak-mas-naging-solid-pa-ang-relasyon-kasal-na-lang-daw-ang-kulang

Read more...