Wish ng fans nina Julie Anne at Rayver: ‘Sana kayo na lang…sana kayo na! Please!’

Julie Anne San Jose at Rayver Cruz magdyowa na nga ba?

Julie Anne San Jose at Rayver Cruz

NAGING matagumpay ang “Limitless Live!” concert ni Julie Anne San Jose last Sunday, Linggo, March 20.

Sa kanyang Instagram account kamakalawa, nag-post si Julie Anne ng mga photos mula sa kanyang live concert na ginanap sa Sunlife Amphitheater sa Bonifacio Global City. Limited seats lang ang event kaya naman intimate ang naging set-up bilang pagsunod na rin sa ipinatutupad na safety protocols.

“About last night: Limitless Live was definitely one for the books – my first live show (with a live audience) since the pandemic started,” say ni Julie sa kanyang post.

May photo rin sila ng kapwa Kapuso star na si Rayver Cruz na sinamahan si Julie sa kanyang first face-to-face concert nito since the pandemic.

Gaya ng marami sa atin, na-miss ni Julie ang ganitong concert set-up, “Thank you to my Limitless family and to all of you for sharing a very special moment with me, greatly appreciated. Iba pa rin talaga ang live shows. Here’s to more!”

Excited na nga ang fans ni Julie sa last leg ng “Limitless: A Musical Trilogy” na may temang “Rise” at mapapanood online ngayong April 9 at 10.


Ang tanong, may special appearance kaya uli si Rayver dito? Naku, tiyak na ikatutuwa ng JulieVer shippers ‘yan! Available ang tickets para sa “Limitless Part 3: Rise” sa www.gmanetwork.com/synergy.

Samantala, iisa naman ang wish ng mga fans nina Rayver at Julie Anne, at yan ay ang maging magdyowa nga ang dalawa dahil bagay na bagay naman sila.

“Sana kayo na lang, sana kayo na, please! You deserve each other. Sana huwag nang magpatumpik-tumpik si Rayver at ligawan na si Julie. Sure na sure ako na kayo na ang itinadhana!” ang comment ng isang JulieVer fan.

May isang netizen naman ang nagsabi na bilis-bilisan ni Rayver ang kilos dahil baka maunahan pa siya ng iba. Yun na!

* * *

Ang “harapang tatapos sa lahat ng harapan.” Ganito inilalarawan ng GMA Network ang “Debate 2022: The GMA Presidential Face-Off” sa 24 Oras reveal nito nitong Lunes. Sa April 30 ang airing date ng nasabing debate–sakto sa nalalapit na May 9 presidential elections.

Sina GMA News pillars Mike Enriquez at Mel Tiangco ang magsisilbing panelists habang ang kapwa nila pillar na si Vicky Morales at veteran broadcast journalist na si Pia Arcangel ang tatayong moderator sa paghaharap ng presidential candidates.

Tiyak na tututukan ito ng viewers lalo na’t ang Kapuso Network–na subok na pagdating sa mga debate at interbyung walang kinikilingan–ang maghahatid nito.

Di nga ba’t ilang araw na pinag-usapan ang presidential interviews ni Jessica Soho nitong Enero? Ang tanong ngayon, sinu-sino kaya ang kakasa sa hamon ng debate ng GMA? Yan ang ating abangan!

https://bandera.inquirer.net/308654/rayver-sa-relasyon-nila-ni-julie-anne-what-you-see-is-what-you-get-kung-ano-yung-nakikita-nila-yun-naman-yun-eh

https://bandera.inquirer.net/292415/julie-anne-maraming-aaminin-sa-musical-trilogy-im-sharing-a-piece-of-my-heart

https://bandera.inquirer.net/290718/for-the-first-time-makikita-nyo-kung-sino-talaga-ako

Read more...