VIRAL ngayon ang aktor na si Donny Pangilinan kung saan makikitang ikinukumpara ito kay Sandro Marcos, anak ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Marami kasing kumakalat na post sa social media kung saan pinagkukumpara ang credentials ng dalawang binata at sinasabing malayong-malayo daw ang aktor sa anak ni Bongbong.
Ito ay nagsimula nang magpakita si Donny ng pagsuporta sa kanyang tiyuhin at tumatakbong vice presidential candidate na si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan sa nagdaang “PasigLaban” campaign sortie kung saan hindi nakadalo ang senador dahil kasabay nito ang naganap na vice presidential debate na inorganisa ng Commission on Elections.
“What’s up, Pasig? Grabeee! Isang karangalan na nandito ako kasama ninyong lahat! Para sa kinabukasan ng ating bansa, isang kinabukasan kung saan wala akong ibang nakikita na karapat-dapat mamuno kundi ang Leni-Kiko tandem,” saad ni Donny matapos mag-perform para sa mga dumalo sa people’s sortie.
Aniya, bata pa lamang siya ay marami na siyang natutunan sa kanyang tiyuhin.
“When I was 14 years old, nag-summer job po ako kay Tito Kiko sa farm niya. Tinuruan niya kami kung paano mag-farm, mag-harvest, at iba-ibang bagay na ginagawa ng farmer. Noong bata pa ako, nakita ko na mahal niya talaga ang mga magsasaka at mga mangingisda,” kuwento ni Donny.
Dagdag pa niya, “And I am speaking from the heart, nandoon ang puso niya sa mga Pilipino. Sinasabi ko sa kanya, ‘Tito, I will support you all the way.”
Kaya naman matapos ng trending na paglabas ni Donny ay agad ring naglabasan ang mga post ng pagkukumpara sa kanila ni Sandro.
Sa isang Twitter post ay pinagkumpara ang dalawa base sa educational background kung saan makikitang lamang si Sandro dahil may master’s degree ito samantalang si Donny raw ay wala.
“Sandro Marcos at the age if 24, completed master’s defree in London School of Economics and now a public servant while ‘yung isa kinukumpara nila, basta gwapo daw,” saad ng Twitter user na si @nunbitchy.
Marami naman sa mga netizens ang naimbyerna dahil hindi naman daw tama na ipagkumpara ang dalawa lalo na at magkaiba ang industriya na kinabibilangan ng mga ito.
“Funny how people are comparing Sandro and Donny’s achievements but cannot compare BBM and VP Leni’s achievement,” saad ng isang netizen.
Sey naman ng isa, “Comparing Donny to Sa dro? Both have different personality. Use you common sense.”
“Don’t compare Donny to Sandro. Ikaw na nagsabi na isa na siyang public servant. Si Donny, hindi po siya public servant. And Donny passed the Undergraduate Admission Test for the UP Open University and will be taking up Bachelor if Arts in Multimedia Studies,” hirit ng isa pa.
Marami rin ang nagsasabi na imbes na ikumpara ang dalawa dahil sa pagkakaiba nila ng kampong sinusuportahan, bakit hindi mismong mga kandidato ang ipagkumpara ng credentials at gawing batayan kung sino ang dapt iboto sa Mayo 9.
Samantala, wala namang nilalabas na komento si Donny hinggil sa trending topic sa social media ngunit patuloy pa rin ang pagsuporta nito sa tambalang Leni-Kiko.
Related Chika:
Donny proud na proud sa ‘He’s Into Her’, pero umaming nape-pressure dahil…
Vice: Ang totoong public servants hindi sila yumayaman at hindi sila nagpapayaman