Depensa ni Jonvic Remulla sa pamimigay ng pera sa Uniteam sortie: BBM was not mentioned

Depensa ni Jonvic Remulla sa pamimigay ng pera sa Uniteam sortie: BBM was not mentioned

Cavite Governor Jonvic Remulla habang namimigay ng pera sa mga sumali sa sing and dance showdown habang idinadaos ang Uniteam rally nina Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Sara Duterte-Carpio. Screengrab Twitter / Neil Arwin Mercado

NAGSALITA na si Cavite Gov. Jonvic Remulla patungkol sa kanyang viral video kung saan makikita siyang namimigay ng pera sa mga taong pumunta sa Uniteam mini rally ngayong Martes, March 22.

“No, no.BBM was not mentioned. Wala ‘yon. It’s only me. If you noticed, it’s only me on stage and we’re not candidates yet. We checked the rules, it’s still allowed as long as the candidates aren’t there,” saad ni Remulla.

Nagdaos kasi ng “talent showdown” ang gobernador habang hinihintay nila ang pagdating ng presidential candidate na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ang running mate nitong si Davao City Mayor Sara Duterte sa San Juan covered court, Dasmariñas, Cavite.

Nagtawag si Remulla, na may balak na muling tumakbo sa pagka-gobernador, ng mga tao mula sa audience na nais sumali sa kanyang “talent showdown”.

Sa tatlong lumahok sa singing showdown, dalawa ang nabigyan ng P5,000 each matapos makakuha ng pinakamalakas na palakpak mula sa audience habang ang isa naman ay nakatanggap ng P2,000.

 

 

Nagtawag rin si Remulla mula sa mga audience ng mga bading para sumali sa kanyang dance showdown.

Nagwagi naman ng P5,000 ang isang kalahok, P2,000 sa isa pa at P1,000 naman sa dalawa pang nakisali.

Kasalukuyan namang wala pang pahayag ang Commission on Elections patungkol sa pamimigay ng pera ni Remulla habang nasa isang campaign rally dahil diumano’y pasok ito bilang “vote-buying”.

Base sa Section 261 ng Omnibus Election Code, “any person who gives, offers, or promises money or anything of value, gives or promises any office or employment, franchise or grant, public or private, or makes or offers to make an expenditure to be made to any person, association, corporation, entity, or community in order to induce anyone or the public in general to vote for or against any candidate or withhold his vote in the election, or to vote for or against any aspirant for the nomination or choice of a candidate in a convention or similar selection process of a political party.”

Samantala, nitong buwan lang rin nang umingay ang pangalan ng kapatid ni Gov. Jonvic Remulla na si Cavite Rep. Boying Remulla matapos nitong sabihin na diumano’y “bayad” ng P500 ang mga taong pumunta sa people’s rally ni Vice President Leni Robredo sa General Trias bagay na pinabulaanan mismo ng mga taong nakilahok sa rally.

Related Stories:
VP Leni kay Rep. Boying Remulla: Kung may pruweba, ilabas na

Read more...