Lalaking sumugod sa campaign rally ni VP Leni nag-propose sa GF habang kumakanta ang Ben&Ben

Larraine Fernando at Joseph Anthony Riparip na-engage sa PasigLaban rally

Larraine Fernando at Joseph Anthony Riparip

AGAW-EKSENA ang magdyowang um-attend sa campaign rally ni Vice President Leni Robredo na ginanap sa Doña Julia Vargas Avenue at Emerald Avenue sa Ortigas, Pasig City kamakalawa.

Viral na ngayon ang video ng ginawang marriage proposal ng isang lalaki na nasa audience ng political rally sa kanyang girlfriend na kitang-kita ang pagka-shock sa mga pangyayari.

Base sa nakalap nating impormasyon, ang nasabing couple ay nakilalang sina Larraine Fernando at Joseph Anthony Riparip, na mga certified kakampinks.

Sa kumalat na mga video sa social media, makikitang ginulat nga ng magdyowa ang mga kasama nilang nasa rally last Sunday, March 20, na nangyari nga sa kahabaan ng Emerald Avenue sa Ortigas, Pasig City.

Base sa nasabing video, itinaon ni Joseph ang pagpo-propose sa kanyang girlfriend habang nagpe-perform ang OPM band na Ben&Ben at kinakanta ang kanilang hit song na “Pagtingin.”

Bigla na lamang lumuhod si Joseph sa harap ng GF hawak ang isang black box na naglalaman ng  engagement ring.

Dahil shookt nga sa ginawa ng kanyang boyfriend ay hinampas pa ng girl ang guy ng hawak niyang nakarolyong tarpaulin. Super cry din si Larraine habang yakap ng katabi niyang lalaki.

Palakpakan at hiyawan naman ang mga taong nakapaligid sa kanila nang sumagot ng “yes” si Larraine. Kasunod nito, lumapit na ang girl sa kanyang dyowa at iniabot dito ang kaliwang kamay para ipasuot ang engagement ring.

At bago pa nga matapos ang pinuntahang campaign rally sa Pasig, engaged na ang dalawa. Ilang sandali pa, kumalat na sa social media ang video ng nasabing kakampink proposal.

Bumuhos naman ang pagbati ng mga netizens sa engaged couple kahit pa nga hindi nila kilala ang mga ito.

https://bandera.inquirer.net/288194/janella-ibinandera-ang-pagiging-hot-mama-sa-socmed-anne-liza-napa-wow

https://bandera.inquirer.net/288312/aljur-chill-chill-lang-matapos-ang-paghihiwalay-nila-ni-kylie

https://bandera.inquirer.net/302905/alodia-gosiengfiao-may-pak-na-pak-na-hugot-sa-lovelife-hi-ako-nga-pala-yung-sinayang-mo

 

Read more...