Maganda nga looks mo pero pangit naman ugali mo, hindi ka pa rin desirable – Christine Bermas

Christine Bermas at Sean de Guzman

Christine Bermas at Sean de Guzman

KUNG may isang baguhang sexy star ngayon na sunud-sunod ang mga proyekto sa gitna ng pandemya, yan ay walang iba kundi si Christine Bermas.

Ilang pelikula na ang nagawa niya sa Viva Films kabilang na ang sexy-erotic-drama na “Moonlight Butterfly” na idinirek ng award-winning veteran filmmaker na si Joel Lamangan.

At habang ipinalalabas ito sa Vivamax, muling humarap si Christine sa entertainment media para sa virtual mediacon ng bago niyang pelikula, ang “Island of Desire” na mapapanood na rin sa Vivamax sa April 1.

“Yes, the pandemic turned out to be lucky for me kasi dito nag-start yung career ko at nagsunod-sunod ang projects ko habang yung iba walang trabaho,” pahayag ng palabang sexy star.

Aniya pa, “At swerte ko ring my movies are mostly with Direk Joel Lamangan. I started with him and ang dami ko talagang natutuhan sa kanya about my craft.”

Kuwento ni Christine, ibang-iba ang istorya ng “Island of Desire” kasama ang mga co-stars niyang sina Jela Cuenca at Sean de Guzman kesa sa mga nagawa niyang past movies.

“Mas matindi ang story nito, may mystery, may kababalaghan. I’m just thankful na hindi ito sobrang sexy. Mas focused ito sa kakaibang story. Very challenging ang buong movie for me kasi sa character ko umikot ang buong story,” ang chika ng dalaga.

At dahil “Island of Desire” ang title ng pelikula nila, natanong si Christine kung ano para sa kanya ang kahulugan ng “desirable”.

“Siyempre important pa rin ang looks. But attitude for me is the most desirable, kung paano ka makitungo sa ibang tao and how willing you are to do your work. Maganda nga looks mo pero pangit naman ugali mo, hindi ka pa rin desirable for me,” aniya pa.

Samantala, iikot ang kuwento ng pelikula sa buhay ni Martha (Christine), na na-assign magtrabaho sa malayong lugar ng “Isla Bato.”

Magiging nurse siya sa Regional Health office ng isla, at makakakilala ng mga bagong kaibigan — si Tess (Jela), midwife sa isla, at si Leloy (Sean), isang habal rider. Dahil laging magkasama, mapapalapit ang loob ni Leloy kay Martha at tuluyang mahuhulog sa isa’t isa.

Sa pananatili ni Martha sa isla, ay siya ring pagdiskubre niya ng mga sikreto nito, isa na rito ang kulto na maraming tagasunod at may mapagsamantalang lider. Makikita rin ni Martha ang kapatid niyang matagal nang nawawala, na bibigyan siya ng babala at paaalisin siya sa isla habang kaya pa niya.

Abangan kung paanong isa-isang malalaman ni Martha ang mga hiwagang bumabalot sa Isla Bato at kung matatakasan ba niya ito.

Ang “Island of Desire” ay idinirek din ni Joel Lamangan sa panulat ni Troy Espiritu at mapapanood na sa Vivamax simula April 1.
https://bandera.inquirer.net/302250/baguhang-sexy-star-proud-na-umaming-naging-kasambahay-nagtinda-rin-ng-mga-kakanin

https://bandera.inquirer.net/308288/albie-na-challenge-sa-paglalagay-ng-plaster-sobrang-hirap-masakit-siyang-tanggalin

https://bandera.inquirer.net/300614/aktor-na-nadiskubre-ni-brillante-mendoza-nang-dahil-sa-100-kutsara-papalit-sa-trono-ni-coco

 

Read more...