“IPINASA” na ni Angel Locsin ang makapangyarihang bato ni Darna kay Vice President Leni Robredo na kumakandidatong pangulo ng bansa para sa May 9, 2022 elections.
Talagang napatili pa ang Kapamilya singer-actress nang mapansin ng presidential aspirant ang ginawa niyang placard na may nakasulat na, “Ma’am Leni! Sayo na ang bato!”
Walang pakialam si Angel na nagpaka-fan girl nang makaharap niya nang personal si VP Leni sa naganap na campaign rally sa Pasig City last Sunday, March 20.
Makikita sa mga nag-viral na video sa social media na biglang napasigaw si Angel nang lumapit sa kanya si VP Leni. “Oh, my God!!! Oh, my God!!!” ang paulit-ulit na sigaw ng misis ni Neil Arce.
Sa kanyang official Facebook account, ipinost din ni Angel ang naging mga kaganapan sa pagsugod niya sa tinaguriang People’s Rally.
“Napansin yung project kong inabot ng 3am (laughing emoji). Thank you po Ma’am @bise_leni @aikarobredo @jpgrobredo at mga kuya marshals.
“Sabi ng asawa ko ‘tama na, tama na….’ nu’ng nagsisigaw ako. Tapos hinila na ako palayo, LOL,” pahayag pa ni Angel.
Dito, ipinakita rin niya ang ginawang placard na ilang oras daw niyang kinarir. Ang tinutukoy naman niyang “bato” ay ang mahiwagang bato na isinusubo ni Narda para maging si Darna na unang sumikat sa komiks na nilikha ni Mars Ravelo.
Itinuturing din na real life Darna ng publiko si Angel dahil sa walang tigil niyang paghahatid ng tulong sa mga kababayan nating nabibiktima ng sakuna at trahedya sa iba’t ibang panig ng bansa.
Nauna rito, nagpaalala si Angel sa publiko sa pamamagitan ng kanyang mga social media accounts na maging wais sa pagboto sa darating na eleksyon.
“Ngayong simula na ang kampanya, at ang mga pulitiko are putting their best foot forward, PLEASE LANG — kilatising mabuti ang bawat pulitiko.
“Huwag bumoto ng may bahid ng kurapsyon, sinungaling, nagmamanipula ng batas, tamad, malabo at hindi makatotohanang plano sa bansa,” aniya pa.
Dagdag pa ng aktres, “Kaya kung napasaya ko man kayo kahit paano, o kahit para sa sarili nyo na lang, please lang, VOTE RIGHTLY! Pag-isipan rin kung sino ang susuportahan.”
https://bandera.inquirer.net/308476/valentine-rosales-nag-sorry-sa-kanyang-controversial-tiktok-video-hindi-po-tama-ang-ginawa-ko
https://bandera.inquirer.net/308212/vice-malalim-ang-hugot-para-sa-mga-taong-feeling-hari-ng-sablay-nagkakamali-ka-lang-pero-di-ka-masama
https://bandera.inquirer.net/308476/valentine-rosales-nag-sorry-sa-kanyang-controversial-tiktok-video-hindi-po-tama-ang-ginawa-ko