Ariana Grande, Bretman Rock trending dahil sa viral post tungkol sa Eleksyon 2022

Bretman Rock at Ariana Grande

Bretman Rock at Ariana Grande

SABOG na sabog ang Twitterverse nang mag-post ang international singer na si Ariana Grande sa Instagram ng video ng Leni Robredo-Kiko Pangilinan rally sa Pasig City.

Mabilis na nag-viral ang IG Story ni Ariana kung saan makikita nga ang libu-libong Filipino na um-attend sa nasabing political event kahapon, March 20, na sabay-sabay kumakanta ng kanyang hit song na “Break Free.”

Aniya sa caption ng kanyang IG post, “I could not believe this was real, I love you more than words.”

Unang ni-repost ng journalist na si Jules Guiang IG story ni Ariana sa Twitter, “Wow #ArianaGrande just posted this on her IG story. And yes I just followed her lol.

“This was taken during the pre-program of #PasigLaban,” aniya pa kalakip ang link ng IG video ni Ariana Grande.


Maraming netizens naman ang nagpatunay na hindi peke ang IG ni Ariana na kuha mismo sa nasabing campaign rally.

Ilang oras lamang ang lumipas ay nag-number one na ang pangalan ni Ariana Grande sa Philippine trending tweets.


Samantala, isa pang international Filipino social media personality at influencer ang nagpahayag ng suporta kay Robredo.

Nag-post din si Bretman Rock sa kanyang IG ng isang video na naglalaman ng closing statement ni VP Leni sa ginanap na Commission on Elections Presidential Debate last Saturday.

“This statement shook me to the core… My president is a WOMAN (Philippine flag emoji),” ang caption ng influencer sa kanyang post.

Si Bretman Rock ay mula sa Cagayan at naninirahan na sa Hawaii.

Ilang local celebrities din ang nag-join sa tinawag na People’s Rally sa Pasig City kahapon tulad nina Angel Locsin, Donny Pangilinan, Julia Barretto at Robi Domingo.

https://bandera.inquirer.net/283183/sb19-bts-blackpink-ariana-grande-maglalaban-sa-top-social-artist-billboard-music-awards-2021

https://bandera.inquirer.net/287030/pinoy-internet-star-bretman-rock-may-alay-sa-lahat-ng-batang-beki-sa-pinas

https://bandera.inquirer.net/303510/kakai-sa-kabataan-kahit-may-katulong-kayo-dapat-ang-naglalaba-ng-panty-at-briefs-nyo-no-to-salaula

Read more...