Lovelife hugot ni Francine Diaz: Never pa akong naligawan, I think nabola lang…yung mga pa-fall!

Francine Diaz, KD Estrada, Akira Morishita at Ashton Salvador

Francine Diaz, KD Estrada, Akira Morishita at Ashton Salvador

HINDI pa naranasan ng Kapamilya youngstar na si Francine Diaz na maligawan at mayayang mag-date ng isang guy.

Kaya naman relate na relate siya sa kanyang karakter sa bagong iWantTFC series na “Bola Bola” bilang si Thea na isang matalino  smart at chubby girl na humaharap sa mga challenges ng isang teenager.

“Parati siyang top of her class and palagi niyang binibigay best niya sa lahat ng ginagawa niya. And she’s a very mapagmahal na kaibigan at anak.

“Mahilig siyang magluto and she’s funny. Pero pag kinilala mo siya, malalim siyang tao,” ang kuwento ni Francine “Bola Bola” mediacon last March 17.

At dito nga niya inamin na hindi pa niya na-experience na maligawan, “Never pa akong nayaya for a date. Never pa rin akong nag-aya. Siguro indirect? Hindi man sinabi na big girl ako pero dati kasi alam ko na hindi ako ganu’n ka-sexy.

“I mean hindi ko naman sinasabi na ganu’n na ako ka-sexy pero I would say nagdadalaga na ako ngayon. Ha-hahaha! Unlike before na talagang bata, and may siopao face. Never pa akong naligawan. I think nabola lang.

“Pero hindi naman siya seryosong bola. Kumbaga siyempre, kabataan, nasa teenage life. May mga pa-fall. So I think wala pang nanligaw sa akin ever. Bola lang talaga,” ang tawa nang tawang chika ni Francine.


Kaya naman ang sumunod na tanong sa dalaga ay kung na-fall na siya sa isang guy kaya may mga ganu’ng hugot siya about love, “Konti. Naniwala so na-fall. Ha-hahaha!”

Dagdag pa niyang chika, “Siguro ang hindi bola sa akin kapag totoo kang tao and kapag straightforward ka without being mean naman.

“Kasi may mga straightforward na basta basta lang nagsasalita at walang konsiderasyon sa mga words na sinasabi nila.

“For me I think ang hindi bola is maging mabait ka and marespeto sa tao, sa babae, and yung alang pa-ligoy ligoy. Kasi kapag may pa-hint hint ka yan ang bola talaga. Either maging forward ka or mag shut up ka na lang,” hirit pa ni Francine.

Ang “Bola Bola” ay mula sa Dreamscape Entertainment at mapapanood na simula sa March 26 sa iWantTFC. Ito’y sa direksyon ni JP Habac.

Ka-join din sa digital series na ito sina Akira Morishita ng BGYO, KD Estrada, Ashton Salvador, Analain Salvador, Danica Ontengco, Arlene Muhlach, Vance Larena at Lito Pimentel.

https://bandera.inquirer.net/308503/kapag-may-nagsabi-ng-ay-ang-taba-mo-kahit-pabiro-lang-siya-ang-sakit-pala

https://bandera.inquirer.net/308589/kd-estrada-sa-tunay-na-relasyon-nila-ni-alexa-ilacad-were-partners-and-we-trust-each-other

https://bandera.inquirer.net/308376/jericho-rosales-bibida-sa-sellblock-francine-diaz-pag-aagawan-ng-tatlong-lalaki-sa-bola-bola

Read more...