KD Estrada sa tunay na relasyon nila ni Alexa Ilacad: We’re partners and we trust each other

Alexa Ilacad aprub sa loveteam nina KD Estrada at Francine Diaz

Alexa Ilacad at KD Estrada

TILA nadulas ang Kapamilya young actor-singer na si KD Estrada sa tunay na estado ng relasyon nila ni Alexa Ilacad.

Nakachikahan ng ilang members ng entertainment media ang binata sa virtual mediacon ng bago niyang proyekto sa ABS-CBN, ang upcoming iWantTFC original series na “Bola Bola.”

Isa siya sa tatlong leading man ni Francine Diaz sa nasabing serye kaya naman natanong si KD kung ano ang naging reaksyon ni Alexa na may iba siyang katambal sa “Bola Bola.”

Bigla kasing ipinareha si KD kay Francine kaya nagulat dito ang mga KDLex supporters. May mga nagtatanong kung bakit nauna pang magkaroon ng proyekto ang binata na iba ang ka-loveteam.

Nauna na kasing in-announce ng management ang pagbibidahang limited series nina Alexa at KD na mapapanood din sa iWantTFC, ang romcom ding “Run To Me.”

Sabi ni KD tanggap naman daw ni Alexa ang tambalan nila ni Francine sa “Bola Bola” na siya ring launching project niya mula nang pumasok siya sa showbiz, “She’s super proud of me naman po.

“Hindi talaga maiiwasan na kaming dalawa, magkakaroon kami ng mga projects na hindi kami magkasama or iba ‘yung ipa-partner sa isa’t isa,” dugtong pa ng dating “Pinoy Big Brother” season 10 celebrity housemate.

Nabanggit din niya na sa bagong music video ni Alexa ay may iba rin itong partner, ang dati ring “PBB” housemate na si Benedix Ramos.

“That’s okay with me. And I’m having this project with Francine. That’s okay with her,” esplika ng young actor.


Kasunod nito, nadulas nga si KD sa kanyang sinabi tungkol sa tiwala nila ni Alexa para sa isa’t isa. Bigla niyang pinutol ang sasabihin niya nang ma-realize na nagiging madaldal na siya sa pagkukuwento about him and Alexa.

“The thing is, we just trust each other lang naman talaga. We just trust each other. At the end of the day, at the end of work, kami ‘yung… ayoko na magsalita,” ang natatawang chika ni KD.

At nang pilitin ng media na kumpirmahin na ang real status ng relasyon nila ng young actress, hirit ni KD, “We’re partners. That’s what I wanted to say. We’re partners.”

Anyway, makakasama rin nina Francine at KD sa “Bola Bola” sina Akira Morishita at Ashton Salvador, at magsisimula na ito sa March 26, exclusive sa iWantTFC.

https://bandera.inquirer.net/306339/alexa-ilacad-sa-tunay-na-relasyon-nila-ni-kd-estrada-sa-totoo-lang-pwede-na-nga-eh-pero

https://bandera.inquirer.net/308503/kapag-may-nagsabi-ng-ay-ang-taba-mo-kahit-pabiro-lang-siya-ang-sakit-pala
https://bandera.inquirer.net/308376/jericho-rosales-bibida-sa-sellblock-francine-diaz-pag-aagawan-ng-tatlong-lalaki-sa-bola-bola

Read more...