MALAPIT na malapit nang matapos ang ipinatatayong building sa Taytay ng ina ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga na si Mommy Pinty.
Si Toni rin ang unang nagbanggit sa amin na busy ang kanyang mommy ngayon dahil nagpapatayo nga ng building. “Yes, 1,400 square meters (ang sukat ng lot). In-offer kasi ‘yun kay Mommy.
Parang kailangan nang i-dismiss o maiilit na ata ng bangko. Kaya that time, alam mo naman kapag meron kang konting ipon gusto mong i-grab ‘yung mga ganoong opportunity because hindi ka matatalo sa investment mo.
“So, for almost two years now times two na ‘yung presyo ng lote. Actually, may isang company who wants to buy it kasi magtatayo ng restaurant at bangko.
Sa mismong main road, ‘yung road ng SM,” tuluy-tuloy na tsika ni Toni after ng The Buzz last Sunday. Nagkaroon ng time tsumika si Toni dahil excused siya na mag-host that night para sa The Voice of the Philippines sa Resort’s World.
May nauna na kasi siyang natanguang commitment. Going back sa building nina Toni, lalo raw silang natuwa sa pagpapatayo ng bago nilang property nu’ng magkaroon ng SM doon kasunod ang pag-appreciate ng lupa.
“Kasi nga nag-appreciate ng times two ‘yung value kung i-stay ko pa ‘to ng mas matagal mas mag-a-appreciate pa ‘yan, magbe-benefit ang mga anak ko kesa ibenta ko sa kompanyang gustong bumili.
Ang ginawa, pinatayuan namin ng building,” lahad pa ni Toni.It’s a commercial space raw na parang may mini mall na open. O, hayan, hindi lang si Willie Revillame among our stars ang may mall ngayon, ha!
“Tapos ‘yung taas tenthouse na, we’re thinking of converting na parang A-Venue (sa Makati). Parang mga debut, weddings, function rooms, mga eme-emeng ganoon.”
Natawa naman kami kay Toni nu’ng sinabi niya ang name ng building, “Mommy Pinty. Naku! Mommy Pinty, o! Ha-hahaha! Hindi, Gonzaga lang. Gonzaga Building lang.”
Siyempre ayaw sabihin ni Toni ang worth ng bago nilang building. Just imagine, kung gaano na kalaki ang worth ng kayamanan ni Toni ngayon, huh!
“Hala! Wala pang mga ganoon. Tama lang. Sapat-sapat lang. Corporation ‘yung building, dapat lang.” Ano siya sa family corporation nila? “COO,CEO, President? Muse.
Naku, muse! Mommy ang treasurer!” tawa ng TV host-actress.After ng building, what’s next sa lalo pang yumayaman na Gonzaga family? “Ah, island naman. Naku, island naman o! Hindi, hindi ko pa alam.
Hindi, meron kami sa Tanay, ilang hectares ng lupa. Iniisip ng Daddy (Carlito) magpatayo ng resort. Kaya lang sabi ng Daddy ko, one at a time. Wala nang kabuhayan. Paisa-isa, ipon-ipon muna.”
Bukod sa mga ‘yan, nauna nang nabili nina Toni ang malaking lote sa katabing bahay nila sa isang subdivision sa Taytay na dati’y parkingan lang nila, “Hindi na, gawa na.
Naka-extend na. Kapag bumisita ka sa bahay makikita mo, wala na ‘yung pader sa pagitan. Isang buo na siya. Naka-extend na siyang ganoon.” Bongga!
( Photo credit to Google )