Staff ng bagong show nina MEGA at OGIE sa TV5 tsinugi… agad-agad!

DAHIL puro nega ang reviews sa pilot episode ng The Mega and The Songwriter ng TV5 ay balitang pinalitan ang ilang staff ng programa nina Sharon Cuneta at Ogie Alcasid.

Narinig naming nag-uusap ang ilang bossing ng TV5 sa isang restaurant sa Quezon City at dahil nga sa hindi magandang kinalabasan ng bagong musical show nina Sharon at Ogie ay may mga tinanggal na staff.

Nalungkot kami para sa mga inalis na production people bossing Ervin dahil alam naman natin na mahirap ang walang trabaho ngayon lalo’t malapit na ang Disyembre, magpa-Pasko na.

Sana man lang binigyan muna ng tsansa ang mga tinanggal na staff para ayusin ang susunod na mga episodes ng show, di ba bossing Ervin? Hindi ‘yung agad-agad tsugi na? (Oo nga.

Nakakaawa naman. Everbody deserves a second chance. – Ed)

( Photo credit to Google )

Read more...