Andre Yllana: Kung may nambu-bully sa atin, siguro inggit lang sila o may problema sila sa bahay

Aiko Melendez may payo sa anak na si Andre Yllana

Aiko Melendez at Andre Yllana

NGAYONG kinakarir na ni Andre Yllana ang kanyang pag-aartista, palagi niyang bitbit sa pagtatrabaho ang palaging paalala sa kanya ng inang si Aiko Melendez.

Umaasa ang panganay na anak ni Aiko kay Jomari Yllana na mas magiging bongga ang showbiz career niya ngayong taon sa pangangalaga na rin ng Viva Artists Agency.

Mapapanood si Andre sa bagong Vivamax Original series na “The Seniors” na pinagbibidahan nina Julia Barretto, Ella Cruz at Awra Briguela, Gab Lagman, and introducing Andrea Babierra, sa direksyon ni Shaira Advincula.

Sa panayam ng entertainment media kay Andre sa online presscon ng “The Seniors”, nabanggit niya ang favorite advice na natutunan niya kay Aiko.

“Siguro yung pinaka-advice na ibinigay ng mom ko is yung pagiging humble. Kahit saan namang trabaho, hindi lang dito sa The Seniors, yung pagiging humble and to have respect sa lahat ng mga taong makakasama mo at makakatrabaho dahil respeto yung pinakabunga ng pagsasama.

“Kapag may respeto ka sa tao, siyempre tuloy tuloy na yung pagsasama niyo sa isa’t isa,” pahayag ni Andre.


Tungkol naman sa mga hindi niya malilimutang experience sa kanyang high school life, nabanggit ni Andre na ang best para sa kanya ay ang senior year.

“Siguro yung pinaka-highlight nu’ng high school life ko was we had this batch outing before our graduation tapos we went to the mountains for a camping trip.

“Yun siguro yung pinaka-memorable kasi du’n nabuo yung samahan namin na after graduation we still keep in touch and nagkukumustahan kami ng mga friends ko. I guess yun yung pinaka memorable, nung nag-outing kami ng batch namin before graduation,” pag-alala ng binata.

Sa kuwento ng “The Seniors”, mabibiktima ng bullying ang isang high school transfer student mula sa Manila na ginagampanan ni Julia Barretto.

Sabi ni Andre, talagang hindi mawawala ang mga insidente ng pambu-bully sa mga eskwelahan kaya naman nagbigay siya ng mensahe para sa mga nabibiktikma ng bullying sa school man o sa social media.

“Huwag na huwag niyong damdamin or huwag niyong sosolohin. Find someone who you can tell your hurts to. Para hindi mo sinosolo kasi du’n tayo naaapektuhan ng husto pag masyado na natin dinadamdam.

“Kaya isipin na lang natin na siguro kung may nagbu-bully sa atin, siguro nga inggit sila or they have problems sa bahay.

“Siguro intindihin na rin natin or kung kaya niyong i-confront yung taong yun kung saan ba nanggagaling ito.

“Dahil may pinanggagalingan lahat ng pambu-bully like insecurities and all. Kaya I guess the best thing to do is to be vocal about it and talk to someone about it,” magandang paliwanag ni Andre.

Napapanood na ngayon sa Vivamax ang “The Seniors” na binuo nina Direk Antoinette Jadaone at Dan Villegas.

https://bandera.inquirer.net/293287/aiko-melendez-proud-na-proud-sa-anak-na-si-andre-yllana

https://bandera.inquirer.net/300292/pacquiao-muling-kinampihan-si-jinkee-hindi-mayabang-ang-asawa-ko-siguro-po-yung-iba-naiinggit
https://bandera.inquirer.net/287274/benben-todo-papuri-sa-sb19-mga-totoo-silang-tao-saludo-kami-sa-inyo

Read more...