NAGING matinding insecurity pala ng Kapuso comedienne na si Herlene Budol na unang nakilala sa showbiz bilang Hipon Girl, ang kanyang height.
Ayon sa dalaga, marami siyang insecurities sa buhay noon dahil na rin sa kanyang itsura, kabilang na riyan ang pagiging matangkad.
“Minsan yung pagiging panlalaki kong tangkad, insecurities ko yun kasi napagkakamalan akong bakla dati pa, pati boses ko.
“Minsan may disadvantage yung pagiging malaki, kasi minsan akala nila babaihan ka, napagkakamalan akong bakla. Minsan din naman siyang advantage, pero ito ang insecurity ko minsan,” ang pag-amin ni Herlene nang makapanayam ng entertainment press last March 16 sa online mediacon para ng una niyang digital series na “Ang Babae sa Likod ng Facemask.”
“Saka dati talaga yung whole face ko. Dati nu’ng walang nagsasabi sa akin na maganda ako, nu’ng dating binu-bully ako. Ngayon na-accept na siya ng tao, nai-immune na lang kayo,” chika pa ni Hipon Girl na unang sumikat nang maging contestant sa “Wowowin” ni Willie Revillame.
Kuwento ni Hipon Girl, nawala ang insecurities niya at napalitan ng kumpiyansa sa sarili nang sumailalim siya sa pageant training camp na Kagandahang Flores bilang paghahanda sa planong pagsali sa Binibining Pilipinas.
“Nagte-train ako sa Kagandahang Flores. Kung paano ko disiplinahin ang sarili, kung paano mag-makeup, kung paano magsalita, kung paano maglakad, kung paano ang tamang pag-upo, posture, yung mindset.
“Ibi-build ka niya na maganda talaga. Yung pag-training ko rito, di lang para makuha yung crown kundi para ma-develop ko ang pagkatao ko kung ano ang pagkakakilala dati. Hindi ko babaguhin (pagkatao), pero dadagdagan ko ang knowledge ko,” lahad ng dalaga.
Kasunod nito, naikuwento rin niya ang hindi magandang karanasan sa pagsali noon sa beauty pageant, “Bb. Angono ng Sining 2017 ako, pero sinabi ko dati na first and last ko na dahil du’n ako na-bully talaga.
“Sabi ko, ‘Ay, pinahirapan niyo ako na kunin ang tatlong libo ko, ayoko na,'” pagbabahagi pa ni Herlene.
Marami raw kasi ang tumatawag sa kanya noong “hipon” dahil maganda raw ang katawan niya, pero sablay naman daw sa mukha.
Sa tanong kung keri niya ang magpagawa ng mukha para mas lalong ma-enhance ang beauty niya, “Kung magpaparetoke po, siguro ano lang… enhance lang, gluta-gluta (glutathione) lang, ganu’n.”
Samantala, libreng mapapanood ang kauna-unahang online series na pagbibidahan ni Hipon Girl sa official YouTube channel ng Puregold simula sa March 26, 6 p.m..
Makakatambal niya rito ang kontrobersyal ngayong si Kit Thompson with Kiray Celis, VJ Mendoza and Hasna Cabral. Ito’y mula sa produksyon ng award-winning filmmaker na si Chris Cahilig, at sa direksyon ni Victor Villanueva.
https://bandera.inquirer.net/289284/herlene-budol-bumuwelta-sa-mga-golden-bashers-may-hiling-para-sa-magulang-nina-toni-at-alex
https://bandera.inquirer.net/296601/herlene-budol-bawal-pang-makipag-kissing-scene-hindi-pa-ako-masyadong-marunong-mag-toothbrush
https://bandera.inquirer.net/286310/vice-pumalag-sa-mga-nanay-na-nagsasabing-proud-ako-sa-anak-ko-kahit-bakla-siya