Kit Thompson kinasuhan ng PNP dahil sa diumano’y pananakit kay Ana Jalandoni

Kit Thompson kinasuhan ng PNP dahil sa diumano'y pananakit kay Ana Jalandoni

NAG-FILE ng complaint ang Philippine National Police o PNP laban sa aktor na si Kit Thompson dahil sa kanyang paglabag sa Republic Act 9269 o Anti-Violence against Women and their Children Act.

Ito ay matapos ang diumano’y pambubugbog nito sa aktres at kasintahan na si Ana Jalandoni.

We will wait for the decision of the prosecutor based on his appreciation and evaluation of evidence presented. The PNP has gathered the necessary evidence and witness accounts in the course of its investigation,” saad ni PNP chief Gen. Dionardo Carlos.

Matatandaan na nitong Biyernes, March 18, nang lumabas ang balita ukol sa aktres kung saan humihingi ito ng tulong dahil diumano’y papatayin raw siya ni Kit.

Habang humihingi ng tulong ang aktres sa kanyang kaibigan ay tumawag na rin ang hotel staff sa Tagaytay Police para i-report ang naganap na commotion sa hotel room ng magkasintahan.

 

 

Agad namang narescue ang dalaga at dinala sa ospital para magpagamot habang si Kit naman ay dinala sa pulisya para tanungin sa mga detalye ng pangyayari.

Ayon sa inisyal na pagsisiyasat ng selos raw ang dahilan ng pananakit.

“Pareho silang nakainom na. So, para bang nakakaramdam na yung babae ng di maayos, kaya tinawagan niya yung friend niya,” pahayag ni Lt. Col. Rolando Baula.

“Kaso nga lang, yung pagtawag niya sa friend niya ay poor signal. Kaya umakyat siya doon sa third level ng hallway ng hotel,” pagpapatuloy pa nito.

Dagdag pa niya, nakita raw ni Kit ang dalaga na nakatulog sa hallway kaya binuhat niya ito pabalik sa kanilang hotel room at dito na raw nagsimula ang panggugulpi.

 

May cryptic post naman si Ana patungkol sa pananakit sa kanya ng kasintahan kalakip ang kanyang larawan na nagpapakita ng mukha niya na nagtamo mga sugat matapos ang pangbubugbog ng aktor.

“When you love someone you will never ever harm them.

“Minahal mo ba talaga?

“This is me saying, you all should be careful out there. I can’t reply to all of you right now but thank you for checking up on me.

“I will release a statement soon,” saad ni Ana.

Sa ngayon ay wala pang pahayag mula sa kampo ng aktor hinggil sa isyung ito.

Bukas naman ang Bandera para sa panig ng dalawang kampo ukol sa kanilang pahayag ukol sa kinakaharap na kontrobersiya.

Related Chika:
Ana Jalandoni ni-rescue ng mga otoridad sa isang hotel sa Tagaytay, Kit Thompson dinala sa presinto para kwestiyunin
Ana Jalandoni pinagsusuntok, pinagsasampal daw: ‘Basag talaga yung mukha niya as in, buong katawan’

Read more...