Nadine Lustre nag-guest sa podcast ni Liza Soberano, tuloy ang pagpapaigting sa mental health awareness

Nadine Lustre nag-guest sa podcast ni Liza Soberano, tuloy ang pagpapaigting sa mental health awareness
MATAPOS ang isang buwan kung saan nakitang magkasama sina Liza Soberano at Nadine Lustre, muli na namang nagsama ang dalawa para sa isang collaboration.

Sa latest Instagram post ng Podcast Network Asia nitong Byernes, March 18, ay makikitang magkasama ang dalawa.

“Nadine Lustre is this week’s guest on ‘An Open Mind with Liza Soberano’!” saad sa caption ng naturang post.

Sa naturang podcast episode ay pag-uusapan ng dalawa ang mga napagdaanang mental struggles ni Nadine.

 

 

Ilan sa mga naitanong ay kung ano ang nag-push sa aktres para manirahan sa Siargao.

Bukod sa kagandahan ng isla ay kinakailangan din ni Nadine na baguhin ang kanyang environment at may mga kaibigan rin siyang naninirahan doon kaya naman naging madali sa kanya ang magdesisyon na manatili sa lugar.

Matatandaang noong Nobyembre 2021 nang maisulat namin sa Bandera ang pagsasama nina Liza, Nadine, pati na rin ni Yassi Pressman para paigtingin ang kanilang kampanya para sa mental health awareness.

Nagtayo ang tatlo ng kumpanyang Mind You na ang pangunahing layunin ay magbigay ng “easy and affordable access” ng mga nangangailangan sa mental health experts.

Sa isang digital interview ni Christine Jacob sa aktres, ibinahagi niya ang naging kahalagahan ng pangangalaga ng mga tao sa kanilang mental health.

“Because now in the Philippines, mental health is such a huge problem. Just because it’s not widely talked about, but there is still a stigma when it comes to mental health and just, you know, talking about it, sey ni Nadine.

“So we’re doing our best to try and normalize it and pretty much tell everyone like, ‘Hey, this is a normal thing, you know. You can do this. You can call and talk to someone and help you with what it is that you’re going through and all of that stuff.’

“We are still working on it but I’m really, really excited about Mind You,” pagpapatuloy niya.

Ang “An Open Mind” podcast ni Liza ay nasa ilalim ng Mind You na naglalayong mag-feature ng mga istorya ng mga kapwa celebrities patungkol sa kanilang mental health struggles.

Related Chika:
Nadine, Liza, Yassi nagtayo ng sariling kumpanya: It’s a platform for mental health
Liza may inamin tungkol sa mental health; Yassi naiyak nang mapag-usapan ang yumaong ama

Read more...