NILINAW ng singer na si Moira dela Torre ang kumakalat na balita na binayaran daw siya sa kanyang pagdalo sa isa sa mga campaign rally nina Vice President Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan.
Ito ang chikang nagsi-circulate online matapos ang kanyang performance sa naganap na campaign rally ng mga “Kakampink” sa Zamboanga City.
Saad ni Moira, “Hindi po mami bayad. Nag-volunteer lang din po kami.”
Maski sa isang article ng Manila Bulletin ay pumalag ang singer dahil sa naging headline nito patungkol sa pagbabayad umano sa kanya ng P5 million.
Sey ni Moira, “Baka kayo po ‘yung bayad para sa mga headline n’yo pong nagcclickbait ng ganyan. Di po yan maganda, Manila Bulletin.”
“Kaya niyo naman po gamitin ‘yung platform n’yo sa mga mas importanteng bagay ba hinde base sa mga ‘online marites’. God bless po,” dagdag pa niya.
Hindi rin naman ito ang unang beses na may napabalitang binabayaran daw ang mga personalities na dumadalo sa mga campaign rallies ng mga politiko.
Tulad ni Moira, naglabas na rin ng pahayag ang talent manager at isa rin sa mga aktibong volunteers sa campaign rallies nina VP Leni at Kiko Pangilinan na si Ogie Diaz.
Sey niya, “Di naman masyadong true ito… Hindi naman lahat ng celebrities, nagpapabayad o pera-pera lang.
“Me mga celebrities, pro bono o libre lang basta kaibigan o kamag-anak nila yung kandidato o kahit hindi nila kaanu-ano, basta naniniwala sila sa ipinaglalaban nito, hindi pinag-uusapan ang magkano. Kung minsan, dumudukot pa ang mga celebrities sa mga sarili nilang bulsa, dahil walang pondo ang kandidato nila, pero naniniwala sila sa kakayahan at sinseridad nito sa mga tao.”
Related Chika:
Moira dela Torre bentang-benta sa Dubai, tinawag na ‘Phenomenal Queen’ ng fans
Jason sa 3rd anniversary nila ni Moira: She makes the best cookies & cinnamon rolls, she makes utos a lot but I secretly like it