NILINAW ng Parokya ni Edgar, Agsunta at ng ilan pang performers at influencers na walang katotohanan ang kumakalat na Facebook post ukol sa diumano’y pagiging parte nila ng UniTeam campaign rally.
Ayon kasi sa post na ngayon ay burado na, kasama ang mga bandang Parokya ni Edgar, Agsunta, IV of Spades, Kamikazee, Zack Tabudlo, Cong TV ng Team Payaman, Philia at Toni Gonzaga sa mga dadalo sa campaign rally nina Bongbong Marcos at Sara Duterte sa Zamboanga ngayong darating na April 10.
“This is not true,” saad ng Parokya ni Edgar sa kanilang Facebook page.
Isa pa sa mga umalma sa pagdalo sa nasabing UniTeam campaign rally ay ang Agsunta.
“Wala po kami dito, nasa bahay lang kami ng araw na yan,” lahad ng banda sa kanilang Facebook page.
Sabi naman ni Blaster Salonga ng IV of Spades, “Kailanman hindi mangyayari ito, ngayon pa lang ay sinusunog ko na ang tulay.”
Isa pa sa nag-react sa Facebook post tungkol sa Zamboanga campaign rally ng UniTeam ay social media influencer at vlogger mula sa Team Payaman na si Cong TV.
“Di nga makapagvalorant tapos mangangampanya pa. Fake news,” saad ng vlogger.
Hindi rin nakapagtimpi ang drummer ng Kamikazee na si Allan Burdeos.
“Never ako nagsalita against sa mga nagkakampanya for presidency. Kahit na obvious na kung gaano kadumi or hindi qualified ang kandidato.
“Pero kung pangalan na namin ang involved, pangalan namin na mahigit 20 years namin na pinaghirapan ang gagamitin ng walang permiso, ibang usapan na ’to,” sey ni Allan sa kanyang Facebook page.
Aniya, sinungaling umano ang nagpapakalat ng balita at nilinaw rin nito kailanman na hindi sila bayaran.
“NEVER kami magpa-participate sa kampanya na ito. MGA SINUNGALING. Gusto ko lang tahimik at hindi ma-involve sa mga ganitong bagay, kaso kailangan namin gawan to ng aksyon. We are not for sale,” dagdag pa niya.
Dinaan naman sa biro ni Zack Tabudlo ang kumakalat na balita na kasali siya sa UniTeam campaign rally.
“Awit peyk news na nga lng di pa magandang picture ginamit sa akin,” saad ng singer.
Related Chika:
Mga dumalo sa UniTeam rally nawalan ng cellphone, wallet: Parang awa n’yo na po pakisauli na lang po