NAGPAHAYAG ng pagsuporta ang aktres na si Nadine Lustre sa presidential candidate na si VP Leni Robredo at sa running mate nitong si Sen. Kiko Pangilinan.
Sa isang online chikahan na “Buwis Ko Para sa Bayan” kasama sina DJ Chacha at Mon Abrea ay tahasan na niyang inamin kung sino ang kanyang iboboto sa eleksyon nang tanungin siya ng host.
“Bakit ko pa patatagalin pa, alam naman ng lahat na Team Pink ako. I’ve been very, very vocal about it. Ano talaga, maganda ‘yung track record and I really see na si Madam Leni saka si Sir Kiko, they really care about our country,” saad ni Nadine.
Aniya, kung ang taong iluluklok ng taumbayan ay kurap at may hindi magandang record, ang ending raw ay marami ring opisyales na gagaya.
Dagdag pa ni Nadine, “Kung iboboto natin is malinis, walang dayaan [at] walang magkukupitan. ‘Yun lang naman ‘yung gusto nating lahat at the end of the day. Maging patas, maging maayos, at saka maging magansa ang buhay ng mga Pilipino.”
Noon pa man ay isa na ang aktres sa mga artistang vocal sa kanilang mga pinaninidigan mapa-politika man o sariling adbokasiya.
Biro naman ng mga hosts, “Si Nadine Lustre ang iboboto ko! Pangalan mo ang isusulat namin sa paparating na eleksyon!”
Matatandaang noong January ay nag-viral si Nadine matapos mag-trending ang kanyang Instagram story kung saan makikita ang billboard nina VP Leni at Sen. Kiko.
Sa ngayon ay nasa bakasyon ang aktres kasama ang kanyang non-showbiz dyowa na si Christophe Bariou.
Mapapanuod naman na ang kanyang comeback movie na “Greed” sa VivaMax Plus. Kasama niya sa pelikula si Diego Loyzaga, sa direksyon naman ni Yam Laranas.
Related Chika:
Nadine, Diego super intense sa ‘Greed’; Vivamax tuluy-tuloy ang pag-ariba ngayong 2022
Nadine Lustre hindi na bet makipag-loveteam: I’m already past that