Ate Vi umaming naging pasaway ding artista; may favorite na ‘excuse’ kapag ayaw mag-shooting

Vilma Santos

Vilma Santos

DIRETSAHANG inamin ng Star for All Seasons na si Vilma Santos na tulad ng ibang artista ay naging pasaway din siya noong kabataan niya.

Ayon sa award-winning actress at politician, may mga pagkakataon sa kanyang showbiz career na masasabing naging unprofessional din siya like any other celebrities.

“Yes, oo, naging unprofessional din ako. There was a time in my career, yung part ng career ko o ng buhay ko na nagtatrabaho pa rin na unprofessional din ako,” ang pahayag ni Ate Vi sa unang episode ng “Surprise Guest with Pia Archangel” podcast.

“Yes, oh my God! Naka-set up na pero hindi ako uma-attend sa shooting. Darating na lang doon yung sasakyan ko at sasabihin wala po si Ate V kasi masakit ang tiyan, mayroon po siyang period,” pagbabalik-tanaw ng movie icon.

Sey pa ng nanay ni Luis Manzano, favorite excuse raw talaga niya ang pagkakaroon ng period at alam niya na palagi siyang pinupulutan ng kanyang mga katrabaho at production staff dahil dito.

“Yun ang laging dahilan kaya sabihin, hindi na matapos yang period na yan. Kapag hindi ako dumarating sa set, lagi na lang may period yan. Hindi ba natatapos yang period na yan?” aniya pa.

Pero kalaunan ay na-realize ni Ate Vi na mali ang ginagawa niya hanggang sa natuto na mga siyang humingi ng pasensiya at pahalagahan ang oras at effort ng mga kasamahan niya sa work.

“Doon mo lang na-realize na hindi lang ikaw nagsu-suffer diyan. Paano yung mga crew na sumusuweldo?

“Kapar hindi ka nag-shooting, hindi na babayayan yan, yung time ila, yung mga artista. So natututunan mo havant nagmamature ka. oon mo naaappreciate na, oh my god. No man is an island. Hindi pwedeng ikaw lang,” lahad pa ng veteran actress.


Samantala, sa anim na dekada niya sa showbiz, halos lahat na ng karakter ay nagampanan na niya kabilang na ang pinaka-iconic role niya bilang Darna.

“I’m lucky enough be able to do iconic roles like Darna and Dyesebel,” sey ng aktres.

“But the tuning point of my career na na-consider ka na na artista was when I did ‘Burlesque Queen.’ Sabi nila doon ako nakilala o na-acknowledge bilang isang artista,” sey ni Ate Vi.

Paglalarawan niya sa “Burlesque Queen”, “Smart work. Na pinag-iisipan, what’s next. Ano yung pupwede pang ma-enchance pa yung career mo for longevity para hindi naman ikaw stagnant o kinasasawaan.”

Hinding-hindi rin niya malilimutan ang mga pelikula niyang nagsusulong at sumusuporta sa women empowerment, “Like I was able to do ‘Sister Stella L,’ ‘Bata Bata, Paano Ka Ginawa,’ ‘Dekada ’70,’ ‘Anak,’ ‘Relasyon,’ playing a role of a mistress where, modesty aside, I won my first grand slam.”

Samantala, nabanggit din ni Ate Vi na kailangang matuto ang mga senior stars na makibagay din sa mga millennials at Gen Z para balanse pa rin ang career at personal life. Hindi raw pwede na puro makaluma pa rin ang approach dahil doon talaga magkakaroon ng problema.

https://bandera.inquirer.net/287607/pasaway-na-aktres-tatanggalin-na-sa-sitcom-grabe-sakit-lang-siya-sa-ulo

https://bandera.inquirer.net/293957/ate-vi-tinupad-ang-promise-sa-vilmanians-umaming-nasaktan-sa-sampal-ni-john-lloyd
https://bandera.inquirer.net/284075/alessandra-nagmakaawa-sa-mga-pasaway-ngayong-pandemya-kaya-nyong-makapatay

Read more...