USAP-USAPAN ngayon ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo matapos mag-viral ang larawan nito kasama si Nica del Rosario.
Si Nica del Rosario ay ang singer at composer ng mga kantang “Rosas” at “Kay Leni Tayo”.
Kaya naman marami sa netizens ang tila nahihiwagaan kung isa na ba itong sign ng pagtindig ni Sarah sa kung sino ang kandidatong kanyang sinusuportahan sa darating na eleksyon.
Tanong ng madlang pipol, kakampink na nga ba siya? Ang terminong “kakampink” ay tawag sa mga tagasuporta ng presidential candidate na si VP Leni Robredo.
Ang pagkikita nga ba nina Sarah ay Nica ay may koneksyon sa paggawa ng popstar ng kanyang version ng “Rosas”?
Comment ng isang netizen, “Kay Leni di ka mabibigo. May tapang at malasakit.”
“Kahit sino pa ang gusto mo i-vote. Di pa rin magbabago ang paghanga ko sayo, Sarah,” saad naman ng isa pa.
May netizens rin na nagsasabing hindi ito totoo dahil may nakakita raw sa litrato ng Popstar Royalty na kasama sa mga artistang sumusuporta naman sa isa pang presidential candidate na si Bongbong Marcos.
“Bakit may kumakalat na picture ni Sarah G at Matteo na BBM supporter sila?” sey ng isang netizen.
Hirit naman ng isa pa, “Si Duterte ang sinusuportahan ni Matteo kaya malabong kakampink si Sarah.”
Base sa aming research, isa si Nica sa mga malalapit na kaibigan ng Popstar Royalty.
Sa katunayan, isa ito sa mga composers ng kanta ni Sarah gaya na lamang ng hit song na “Tala”.
Nang tignan rin naman ang Instagram account ni Nica ay makikitang uploaded ang kaparehong larawan na kumakalat sa social media pero kuha pa ito noong February.
Sa ngayon ay wala pa namang pahayag si Sarah kung totoo nga ba ang bali-balita pero may chance rin na baka may nilulutong album si Sarah para sa madlang pipol at kaya niya kasama si Nica ay isa ito sa mga composers ng mga bago nitong kanta?
Anyway, bukas ang Bandera para sa pahayag ng kampo ni Sarah hinggil sa isyung ito.
Related Chika:
Sarah hahataw sa GMA 7 pero Kapamilya pa rin; 3 Thai idol pampa-good vibes sa ‘Kilig-Saya Express’
Heart, Nadine lantaran na kung sino ang susuportahan sa Eleksyon 2022