Pag-postpone sa SK polls aprubado sa Kamara

INAPRUBAHAN ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang panukalang suspindihin ang Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre 28.
Sa bersyon ng Kamara, tatapusin na lamang ng mga kasalukuyang opisyal ng SK ang kanilang termino hanggang sa Oktobre 28 at matapos ito ay wala na sa kanila ang mananatili sa puwesto.
Itinakda ang susunod na SK polls sa Oktubre 2016, kasabay ng susunod na Barangay elections.
Ayon sa ilang mambabatas, masyado na  umanong napupulitika ang SK dahil ang kalimitang tumatakbo ay ang mga anak ng mga pulitiko, habang hindi naman natutugunan ang tunay na layunin ng SK.
Ang chairman ng SK ay otomatikong ex-officio member ng Barangay Council.

Read more...