Rabiya Mateo, Jeric Gonzales magdyowa na, sweet na sweet sa Bohol | Bandera

Rabiya Mateo, Jeric Gonzales magdyowa na, sweet na sweet sa Bohol

Ervin Santiago |March 17,2022
facebook
share this

Rabiya Mateo, Jeric Gonzales magdyowa na, sweet na sweet sa Bohol

Ervin Santiago - March 17, 2022 - 01:04 PM

Jeric Gonzales at Rabiya Mateo enjoy na enjoy sa Bohol

Jeric Gonzales at Rabiya Mateo

BOOM! So, totoong magdyowa na nga si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo at ang Kapuso hunk actor na si Jeric Gonzales.

“Dyowa reveal” na ngang matatawag ang pagpo-post ni Rabiya ng mga sweet photos nila ni Jeric sa social media na pinaniniwalang kuha sa pagbabakasyon nila sa Bohol.

Sa kanyang Instagram account, makikita ang mga litrato ng Pinay beauty queen na super happy habang magkasama sila ng Kapuso hunk, kabilang na riyan ang mga pictures nila overlooking Chocolate Hills.

May litrato rin ang dalawa na magkatabi habang nakatitig sila sa isa’t isa at meron din silang shot na pareho silang may suot na life vest kung saan makikita sa background ang malawak na karagatan.

Nakita rin namin ang isang video kung saan naka-piggyback ride si Rabiya kay Jeric habang bumababa sila ng hagdan. Ang caption ng dalaga sa kanyang mga IG post ay, “Live. LOVE. Laugh. Thank you, Eric.” Sinundan pa niya ito ng shining at heart emojis.

Nagkomento naman dito si Jeric ng, “Let’s be happy together” at sinabihan pa ang Kapuso actress ng “I love you.”

Samantala, nag-post din sa Instagram ng pictures nila ni Rabiya ang aktor na kuha rin sa Chocolate Hills viewing deck. Meron din siyang ipinpost na photo na kuha naman sa loob ng sasakyan.

Ani Jeric sa caption, “To more memories with you @rabiyamateo I love you.”

Bumuhos naman ang pagbati sa kani-kanilang IG accounts mula sa mga netizens at mga friends nila sa showbiz. Of course, super happy sila para kina Rabiya at Jeric.

Isa sa mga nagkomento sa post ni Rabiya ay ang kapwa niya beauty queen na si Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez.

“Kilig naman!” ani Beatrice na sinagot ni Rabiya ng, “hatdog hahahaha.”

Nagsimulang mapabalita na may namamagitan na sa dalawang Kapuso stars noong December, 2021 matapos silang makitang magkasama sa Enchanted Kingdom sa Sta. Rosa, Laguna.

Bukod dito, spotted din sila together sa isang beach resort sa pagpasok pa lang ng 2022. Kaya ang feeling ng netizens magdyowa na talaga ang dalawa.

Unang nagkasama sina Rabiya at Jeric sa isang episode ng “Wish Ko Lang” na ipinalabas noong November, 2021. At mukhang doon nga nagsimula ang pagtatangi nila sa isa’t isa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)


Matatandaang inamin ng dalaga noong mag-join siya sa Miss Universe Philippines na meron siyang non-showbiz boyfriend, si Neil Salvacion.

Pero after nga ng paglaban niya sa Miss Universe noong May, 2021 ay naghiwalay na rin sila ni Neil.

Sa isang panayam kay Rabiya matapos ang breakup nila ni Neil ay sinabi nitong, “For now, I’m not looking for a love life, but who knows?

“I want somebody who is family-oriented because I was raised by a single mom. It’s been my frustration to have a complete family…for my future children.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So, I want somebody who’s not just a perfect partner, but also someone capable of being a good dad,” sabi pa niya.

Rabiya Mateo, Jeric Gonzales nagkakamabutihan na nga ba?

Piolo, Shaina magdyowa na raw, sweet na sweet sa Bohol; naka-double date sina Jodi at Raymart?

Jeric Raval sa panliligaw ni Aljur kay AJ: Walang magulang na gusto ang anak niya ay parang kabit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending