Miss Poland Karolina Bielawska waging Miss World 2021

Miss Poland Karolina Bielawska

Miss Poland Karolina Bielawska

KINORONAHANG Miss World 2021 si Miss Poland Karolina Bielawska sa katatapos lang na grand coronation na ginanap sa Coca-Cola Music Hall sa Puerto Rico ngayong araw (Philippine time).

Si ang Karolina Bielawska ang ikalawang beauty queen na nakapag-uwi ng titulo at korona ng Miss World sa Poland.

Mula sa original na 96 kandidata mula sa iba’t ibang panig ng mundo, si Karolina ang napiling humalili sa trono ni Miss World 2019 Tori-Ann Singh na nagmula naman sa Jamaica.


Waging first runner-up si Miss United States Shree Saini habang ang second runner-up naman ay si Miss Cote d’Ivoire Olivia Yace.

Ang tatanghaling bagong Miss World ay magkakaroon ng mas maikling reign dahil balitang itutuloy na ng Miss World organization ang kanilang plano na gawin ang ika-71 edisyon ng pageant later this year.

Pumasok din sa Top 6 ng Miss World 2021 sina Miss Mexico Karolina Vidales, Miss Northern Ireland Anna Leitch, at Miss Indonesia Carla Yules.

Ang representative naman ng Pilipinas na si Tracy Maureen Perez ay umabot sa Top 12 ng pageant ngunit laglag na nang ihayag ng mga host ang Final 6 na naglaban-laban sa huling round.

Sa kanyang speech matapos tawagin ang pangalan niya at pumagitna sa stage ng Miss World, naibahagi niya ang kaunting detalye tungkol sa kanyang masalimuot ngunit makulay at inspiring na life story.

“If I told any of you my life story, my experiences, you will also probably wonder, how in the world did she get here?

“Well, you know what, I am so much bigger and so much stronger than all of the unfortunate things that happened to me,” pahayag ni Tracy.

Aniya pa, “And I know in my heart that all those experiences led me to this day to this very stage and I want people to see me, to see themselves in me and to be reminded that what we go through in life should not dictate where we’ll ever be.”

Noong magsimula ang 70th edition ng Miss World during the last quarter of 2021 ay 97 pa ang kandidatang maglalaban-laban para sa titulo at korona.

Pero matapos ang ilang beses na pagkaka-postpone ng grand coronation ng international beauty pageant dulot ng COVID-19 pandemic ay 40 na lamang ang pinabalik sa Puerto Rico para sa finals.

Wala ring naganap na Miss World pageant noong 2020 dahil sa pandemya.
Kabilang sa 40 delegates na pinabalik sa Puerto Rico para sa finals ay ang 15 winner sa isinagawang anim na “fast-track” events, at ang 25 iba pang kandidata ay pinili other ng mga judge.

Ang kauna-unahan at nag-iisang Filipina na nakapag-uwi ng Miss World crown sa bansa ay ang Kapuso actress na si Megan Young na kinoronahan noong 2013.

https://bandera.inquirer.net/280846/miss-usa-kinoronahang-2020-miss-grand-international-samantha-bernardo-waging-1stup
https://bandera.inquirer.net/291275/miss-namibia-waging-miss-supranational-2021-dindi-pajares-umabot-sa-top-12

https://bandera.inquirer.net/281441/kelley-day-waging-1st-runner-up-sa-miss-eco-international

Read more...