Tracy Perez di na umabot sa Top 6 ng 70th Miss World; Mexico, Northern Ireland, Poland, US, Indonesia, Cote d’Ivoire laban-laban sa last round

Tracy Maureen Perez

Tracy Maureen Perez

HINDI na nakapasok sa Final 6 ng ika-70 edisyon ng Miss World ang bet ng Pilipinas na si Tracy Maureen Perez.

Kasalukuyan pa ring ginaganap sa Coco-Cola Music Hall ang Miss World 2021 kung saan inihayag na nga ang Top 6 na maglalaban-laban para sa korona at titulo ng nasabing international pageant.

Pasok sa Top 6 ang sina Miss Mexico Karolina Vidales, Miss Northern Ireland Anna Leitch, Miss Poland Karolina Bielawska, Miss United States Shree Saini, Miss Indonesia Carla Yules at Miss Cote d’Ivoire Olivia Yacé.

Siguradong marami ang nanghinayang kay Tracy dahil pak na pak pa naman ang naging pahayag niya nang tawagin na siya bilang isa sa napiling Top 12 sa ginaganap ngayong 70th edition ng Miss World sa Puerto Rico.

Lalaban ang dalaga para sa Final 6 ng pageant at kung papalarin nga, siya ang magiging ikalawang Filipina na makakapag-uwi ng titulo at korona sa bansa na unang napanalunan ni Megan Young noong 2013.


Sa kanyang speech matapos tawagin ang pangalan niya at pumagitna sa stage ng Miss World, naibahagi niya ang kaunting detalye tungkol sa kanyang masalimuot ngunit makulay at inspiring na life story.
“If I told any of you my life story, my experiences, you will also probably wonder, how in the world did she get here?

“Well, you know what, I am so much bigger and so much stronger than all of the unfortunate things that happened to me,” pahayag ni Tracy.

Aniya pa, “And I know in my heart that all those experiences led me to this day to this very stage and I want people to see me, to see themselves in me and to be reminded that what we go through in life should not dictate where we’ll ever be.”

https://bandera.inquirer.net/308305/tracy-maureen-perez-pasok-na-sa-top-12-ng-70th-miss-world-miss-mexico-pinalakpakan-hiniyawan-nang-bongga

https://bandera.inquirer.net/300759/life-story-ni-miss-world-ph-2021-tracy-perez-pang-mmk-at-mpk-hindi-bet-noon-ang-beauty-pageant

 

Read more...