Tracy Maureen Perez pasok na sa Top 13 ng 70th Miss World; Miss Mexico pinalakpakan, hiniyawan nang bongga

Tracy Maureen Perez

Tracy Maureen Perez

PASOK sa Top 13 ang kandidata ng Pilipinas na si Tracy Maureen Perez sa ginaganap ngayong 70th edition ng Miss World sa Puerto Rico.

Dapat ay Top 12 lamang ang pipiliin mula sa 40 kandidata ngunit may nag-tie sa final score kaya naging 13 ang finalists.

Makakalaban ni Tracy para sa mapipiling Final 6 ang mga kandidata mula sa Vietnam, Mexico (na nakatanggap ng malakas na palakpakan at hiyawan), Northern Ireland, Poland, Somalia, United States, Colombia, Czech Republic, France, India, Indonesia at Cote D’Ivoire.

Mula sa Top 6, pipiliin naman ang 2nd runner up, 1st runner up at ang bagong Miss World.

Marami ang nagsasabi na malakas ang laban ni Tracy para maiuwi ang titulo at korona, kabilang na riyan ang mga kapwa niya beauty queens.


Para sa pageant expert na si Norman Tinio, deserving namang manalo si Tracy lalo na ang pagbabasihan ay ang strong performance niya sa mga naganap na fast track challenge.

“I am very hopeful of Tracy winning the crown. She has done more than enough to convince us that she has what it takes to win the Miss World crown,” aniya sa isang panayam.

Dagdag pa ni Tinio, “Tracy is a very resilient woman. I would say she is battle-tested. She has been orphaned by her mother years ago.

“She has stumbled in life so many times literally and figuratively, giving her motivation to rise up and do well in life. She has kept all her aces close to her heart,” sabi pa niya.

Tracy Perez lucky charm ang turing sa Pinoy pageant fans; handang-handa nang rumampa sa 70th Miss World

Tracy Perez balik-Puerto Rico para makuha ang ika-2 Miss World crown ng Pinas; 2 pang Pinay beauty queen lalaban din

Life story ni Miss World PH 2021 Tracy Perez pang-MMK at #MPK; hindi bet noon ang beauty pageant

Read more...