IBINANDERA na ang mga kandidatang nagwagi sa iba’t ibang fast track events sa ginaganap ngayong ika-70 edisyon ng Miss World pageant.
Tinuhog ni Miss Cote d’Ivoire Olivia Yacé ang dalawa sa fast-track challenge — ang Top Model at Multimedia.
Si Miss Mexico Karolina Vidales naman ang nagwagi sa Sports Challenge habang si Miss Mongolia Burte-Ujin Anu ang nanalo sa Talent event.
Kasalukuyan nang ipinakikilala ang 40 semi finalists kung saan kukunin ang Top 12. Pagkatapos nito, sasalang sila sa series of question and answer portion.
At mula sa Top 12, pipiliin na ang Top 6 at tatlo nga sa kanila ang magiging winner — ang 2nd runner-up, 1st runner-up at ang tatanghaling Miss World 2021.
Samantala, palakpakan at hiyawan naman ang mga Pinoy pageant fans nang pumagitna na ang bet ng Pilipnas na si Tracy Maureen Perez para sa introduction segment.
https://bandera.inquirer.net/284289/miss-mexico-andrea-meza-waging-miss-universe-2020-catriona-pia-may-mensahe-kay-rabiya
https://bandera.inquirer.net/284289/miss-mexico-andrea-meza-waging-miss-universe-2020-catriona-pia-may-mensahe-kay-rabiya