Si Tracy Maureen Perez na nga ba ang magiging ika-2 Miss World ng Pinas?

Tracy Maureen Perez

Tracy Maureen Perez

“THIS is it!” Ngayong araw na babandera sa buong mundo kung sino ang tatanghaling Miss World 2021 na gaganapin sa Coca-Cola Music Hall sa Puerto Rico.

Knows n’yo ba na noong magsimula ang 70th edition ng Miss World during the last quarter of 2021 ay 97 pa ang kandidatang maglalaban-laban para sa titulo at korona?

Pero matapos ang ilang beses na pagkaka-postpone ng grand coronation ng international beauty pageant dulot ng COVID-19 pandemic ay 40 na lamang ang pinabalik sa Puerto Rico para sa finals.


Nagdesisyon ang Miss World Organization (MWO) president na si Julia Morley na ang pababalikin na lamang sa pageant ay ang mga kandidatang nanalo at pumasok sa mga “fast-track” events at ang iba pang pre-qualifiers.

At isa na nga riyan ang bet ng Pilipinas na si Miss World Philippines 2021 Tracy Maureen Perez na kabilang sa anim na nagwagi sa flagship project ng Miss World na “Beauty With a Purpose.”

Win din ang dalaga sa “Head-to-Head” challenge na naging dahilan kaya pasok na siya agad sa Top 40.

Ang iba pang pumasok sa next round dahil sa kanilang winning moment sa Beauty With a Purpose projects ay si Miss England Rehema Muthamia, Miss India Manasa Varanasi at Miss Kenya Sharon Obara, at ang bet ng South Africa na si Shudufhadzo Musidab at ng  United States na si Shree Saini.

Ang iba pang nakasama sa Top 40 na nagmarka naman sa Head-to-Head challenge ay sina Miss Botswana Palesa Mofele, Miss Cameroon Audrey Monkam, Miss Cote d’Ivoire Olivia Yacé, Miss Nepal Namrata Shrestha, Miss Nicaragua Sheynnis Palacios, Miss Paraguay Bethania Borba, at Miss Venezuela Alejandra Conde.

Nanguna rin si Miss Cote d’Ivoire Olivia Yacé sa dalawa pang fast-track events ng pageant — ang Top Model and Multimedia.

Si Miss Mexico Karolina Vidales naman ang nanalo sa Sports Challenge habang si Miss Mongolia Burte-Ujin Anu ang nagwagi sa  Talent event.

Pasok din sa Top 40 ang 25 pang  delegates mula sa Argentina, the Bahamas, Brazil, Canada, Chile, China, Colombia, Czech Republic, Dominican Republic, Ecuador, France, Guinea, Hungary, Iceland, Indonesia, Ireland, Madagascar, Malaysia, Northern Ireland, Poland, Puerto Rico, Somalia, Sri Lanka, Trinidad and Tobago at Vietnam.

Sino nga kaya sa 40 kandidata ang hahalili sa trono ni 2019 Miss World Tori-Ann Singh na mula sa Jamaica? Si Tracy na nga kaya ang ikalawang Miss World ng Pilipinas na unang nasungkit ni Megan Young noong 2013? Let’s hope and pray!

https://bandera.inquirer.net/307292/tracy-perez-balik-puerto-rico-para-makuha-ang-ika-2-miss-world-crown-ng-pinas-2-pang-pinay-beauty-queen-lalaban-din

https://bandera.inquirer.net/307926/tracy-perez-sa-pagrampa-sa-70th-miss-world-lalaban-tayo-ipakikita-natin-sa-buong-mundo-ang-puso-at-galing-ng-pilipino

https://bandera.inquirer.net/300642/2021-miss-world-ph-tracy-perez-umaming-nawalan-ng-tiwala-sa-sarili-bitbit-ang-payo-ni-megan

 

Read more...