Bakit nga ba itinuturing na ‘miracle baby’ si Miss World PH 2021 Tracy Maureen Perez?

Tracy Maureen Perez

Tracy Maureen Perez

ILANG oras na lang at mapapanood na ng buong mundo ang inaabangang grand coronation ng 70th edition ng Miss World pageant.

Magaganap ito sa Coca-Cola Music Hall sa San Juan, Puerto Rico ngayong araw, March 17, 8 a.m. (Philippine Standard Time) kung saan maglalaban-laban ang 40 kandidata kabilang na ang bet ng Pilipinas na si Tracy Maureen Perez.

Siyempre, umaasa at nagdarasal ang sambayanang Filipino na maiuuwi ni Tracy ang ikalawang Miss World crown ng bansa matapos itong makuha ni Megan Young noong 2013.


Sigurado na ang pagpasok ng Cebuana beauty queen sa Top 30 ng Miss World 2021 matapos magwagi sa 2nd round ng Head-To-Head challenge, at makapasok sa Top 5 finalists para sa Beauty With A Purpose challenge.

Dito ipinagdiinan ni Tracy ang kahalagahan ng pagkilala at pagrespeto sa mga single parents tulad ng kanyang yumaong inang si Chona Perez.

And speaking of Tracy’s mom, knows n’yo ba na talagang nasa dugo na ng dalaga ang pagiging beauty queen? Sa mga hindi pa masyadong aware, naging finalist ang kanyang Mommy Chona sa Binibining Pilipinas 1979.

Sa isang panayam, inamin ni Tracy na wala talaga sa mga priorities niya noon ang sumabak sa mga beauty pageant, “To be honest, hindi ko siya dream noong super bata pa ako.

“Parang dyino-joke ako ni mommy na ikinukwento niya ‘yung mga experiences niya pero hindi po ako masyadong nakikinig kasi parang hindi ko siya gusto before.

“Pero noong na try ko siya one time noong college na po ako sa school, parang ang saya pala,” paliwanag ng dalaga.

Sa nasabi ring interview ibinahagi ng dalaga ang kanyang pagiging “miracle baby,” dahil ipinanganak siyang premature. Sa katunayan, takot na takot daw ang nanay niya na baka hindi na mabuntis dahil sa kinasangkutang aksidente noong 18 years old lamang siya.

“As in sinabihan po talaga siya ng doctors na never na po talaga siyang magkakaanak kasi sa lahat ng operations na pinagdaanan niya and in the past hindi pa po masyadong maganda ang mga hospitals doon.

“Sinabihan po talaga siya na 30 years old na lang po ‘yung lifespan niya, hindi na po siya magkakaanak,” kuwento ni Tracy.

https://bandera.inquirer.net/294812/miss-world-ph-2021-tracy-perez-sa-2-beses-na-pagbagsak-hindi-ko-alam-kung-matutuwa-ako-mahihiya-o-malulungkot
https://bandera.inquirer.net/294812/miss-world-ph-2021-tracy-perez-sa-2-beses-na-pagbagsak-hindi-ko-alam-kung-matutuwa-ako-mahihiya-o-malulungkot

https://bandera.inquirer.net/295436/ivana-game-pumasok-sa-pbb-lahat-gagawin-ko-as-a-housemate-ayaw-kong-may-special-treatment

Read more...