Birthday wish ni Bianca Gonzalez tinupad ni JC Intal

Birthday wish ni Bianca Gonzalez tinupad ni JC Intal

TINUPAD ng PBA player na si JC Intal ang isa sa mga wish ng asawang si Bianca Gonzalez para sa kanyang ika-39th birthday.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ng TV host ang mga larawan nila ng asawa sa naganap nilang date bilang selebrasyon na rin ng kanyang kaarawan.

“Birthday girl’s wish granted!!!! Thank you mahal for my post-birthday date night,” saad ni Bianca.

Base sa kanyang post ay nagkaroon silang mag-asawa ng roadtrip gamit ang motor ng asawa at isang date kung saan dalawa lang sila at malaya sa kanilang mga chikiting.

 

 

Umulan naman ng birthday greetings ang post ni Bianca mula sa mga netizens at mga kasama sa industriya.

“Happy birthday!” pagbati ni Angel Locsin.

Comment ni Mariel Rodriguez, “Yay sweet naman.”

Tila nagkaroon naman ng idea ang Mr. Pure Energy, Gary Valenciano sa naging post-birthday date nina Bianca at JC.

“One day, I will do this with your Tita Angelie!” saad ni Gary V.

Sa isang post naman ay ibinahagi ni Bianca na nag-celebrate siya ng mismong kaarawan kasama ang production ng “Pinoy Big Brother” kung saan siya na ang tumatayong main host ng programa.

“Spent my birthday last Friday all day in the boondoks for work with my PBB family. It was a productive day with lots of kwentuhan at tawanan pagka breaks lalo’t walang signal.

“I finally got to open my phone before midnight and was oooverwhelmed to see all your messages and posts and tags!!!! My heart is filled with GRATITUDE and JOY and CONTENTMENT. Thank you to all of you who sent your well wishes!!!! I really felt the love,” saad ni Bianca.

Dagdag pa niya, “Best feeling to end the long day with getting to kiss and hug my sleeping husband and daughters when I got home.”

 

Related Chika:
Bianca, JC 7 years nang mag-asawa: Minsan naiisip mo puro sa kids na lang ako…finally nasolo na kita!
Bianca dumepensa sa bashers ng PBB: It’s not an artista search

Read more...