Julia kinumpirmang absent si Gerald sa kanyang 25th birthday party, bakit nga kaya?

KINUMPIRMA ni Julia Barretto na hindi niya nakasama ang boyfriend na si Gerald Anderson sa kanyang 25th birthday celebration.

May valid reason naman ang Kapamilya hunk actor kung bakit absent siya sa party ni Julia at naiintindihan naman daw ito ng dalaga kaya sa lahat ng “Marites” at “Marisol” diyan, tigilan na ang pagpapakalat ng mga pekeng chika.

Sabi ni Julia, nasa lock-in taping daw kasi si Gerald sa Masbate City nu’ng mismong birthday niya para sa bago nitong teleserye na “A Family Affair”.

Ngayong araw inaasahang babalik si Gerald sa Manila mula sa Masbate kaya naman looking forward na ang dalaga sa magaganap na post-birthday celebration niya this week.

“He’s coming home tomorrow (ngayong araw). We’ll probably do a little get-together and have a nice dinner with our friends when he gets back. Maybe just a nice dinner,” ang pagbabahagi ni Julia sa naganap na online presscon ng bago niyang project kahapon, March 14, ang Vivamax original series na “The Seniors”.

Dito rin naikuwento ng dalaga ang tungkol sa viral video na kuha sa kanyang party kung saan makikita ang sobrang kaligayahan niya habang kinakantahan siya ng “happy birthday”.

“Kasi kumakanta sila nasa banyo pa ako. So by the time pagpasok ko, nagkagulatan na lang sila na nasa banyo pala ako the whole time.

“But I guess my energy was like that because first of all I was very happy that night. I was surrounded by my favorite people and second, the wine? Because of how many glasses of wine I had. Ha-hahaha!


“Yun lang naman yun. I had a really good time. We had a good night. I was surrounded by my family and my friends and everybody I’ve kept in touch with the past few years.

“It was so nice to finally be reunited with everybody after how many years,” natatawa pang kuwento ng dyowa ni Gerald.

Natanong din ang dalaga tungkol sa pinag-usapan at kontrobersyal na sexy birthday pictorial niya kung saan halos silver glitter lamang ang nagtatakip sa maseselang bahagi ng kanyang katawan.

“I’ll just have to give credit to my entire team. Ang nakaisip talaga nu’ng lahat ng yun is my photographer and good friend BJ Pascual na last minute lang namin yun na-produce.

“He creative directed everything. My makeup artist, my hairstylist, my stylist, sila lahat ang nag-collaborate for that and kumbaga parang lang nila akong naging doll doon. Game naman ako sa kahit ano. I’m glad you guys liked it,” paliwanag ni Julia.

Samantala, pak na pak ang high school life sa Pacaque Rural High school kasama sina Ella Cruz, Andrea Babierra, Awra Briguela at Julia Barretto sa bagong youth comedy-drama series mula sa VIVA TV at Project 8 Projects, ang “The Seniors”.

Ito ay binuo at ipinrodyus ng box-office directors na sina Dan Villegas at Antoinette Jadaone, sa direksyon ng young director na si Shaira Advincula-Antonio.

Ang “The Seniors” ay tungkol sa apat na senior high school students sa isang provincial public high school na sama-samang haharapin ang iba’t ibang problema sa buhay at pag-ibig.

Sa Pacaque National High School, kilala ang it-trio na “The Certifieds.” Pinangungunahan ito ni Jennifer (Ella), ang overachiever Student Council President. Kasama niya ang “Muse” ng school na si Nicole (Andrea) at ang school Volleyball Team Captain na si Fifi (Awra).

Consistent sa pagiging star section, naniniwala ang tatlo na sila ang elite students ng kanilang eskwela at dapat ay parati silang magkakasama kahit anuman ang mangyari.

Ngunit sa huling taon ng kanilang high school, maraming malalaking pagbabago ang kailangan nilang harapin. Isa na rito ang pagdating ng maganda at matalinong transferee from Manila na si Diana (Julia).

Sa kanyang pagdating, mas magiging masaya at mas maraming problema ang kanilang haharapin habang pilit na babalansehin ang magandang grades, pagkakaibigan at romantic relationships.

Mapapanood na ang “The Seniors” sa magaganap na world premiere nito sa March 20 exclusively on Vivamax. Makakasama rin dito sina Andre Yllana at Gab Lagman.

https://bandera.inquirer.net/283120/sharon-kiko-25-years-nang-mag-asawa-whod-have-thought-wed-make-it-this-far

https://bandera.inquirer.net/301788/ivana-nag-celebrate-ng-25th-birthday-sa-p1-m-per-night-na-hotel-walang-matutulog-walang-pipikit

https://bandera.inquirer.net/307869/lola-ni-xian-na-lumalaban-sa-breast-cancer-malakas-pa-rin-sa-edad-na-87-shes-doing-better-now

Read more...