SUPER excited na ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa pagbabalik sa primetime TV ng nakakaaliw at nakatutuwang game show na “Family Feud”.
In fairness, hindi pa man nagsisimula ang programa sa GMA 7 na iho-host nga ni Dong, ay pinag-uusapan na ito ng mga manonood lalo na ng mga loyal fans ng game show.
Sa katunayan trending na ang trailer at mga teaser ng “Family Feud” sa social media patunay na talagang abangers na ang televiewers sa pagbabalik nito sa GMA.
Ilan sa mga pinusuan ng mga netizens ay ang TikTok video kung saan game na game siyang nakipaghatawan kay Gardo Versoza na isa sa naging celebrity guest sa “Family Feud.”
Sa naganap na online presscon ng GMA para sa nasabing programa kahapon, March 14, muling humarap si Dingdong sa ilang members ng entertainment press kung saan naikuwento niya ang ilang hindi malilimutang karanasan niya sa taping.
Dito nga niya kinumpirma ang eksena kung saan game na game niyang ipinaamoy ang kanyang kilikili sa isang contestant.
Naloka raw ang isang bading na player dahil talagang ipinaamoy ng TV host-actor ang kilikili niya sa kasama niyang manlalaro kaya na-shock ang lahat ng nasa studio.
Ayon kay Dingdong, isa lang daw yun sa mga nakakaaliw na tagpo sa “Family Feud” na wala sa script, “Kasi sobrang ganda nu’ng tanong. Iyon nga ang sinasabi ko na yung tanong mismo, napakagandang pag-usapan na.
“Yung totoong nangyari du’n, dinare ko siya, ‘Sige nga, paamoy nga ng kilikili mo.’ E, nahiya siya siguro.
“Dahil nahiya siya, sige, e, yung sa akin na lang ang amuyin mo, kung gusto. Ayun! Sayang hindi kami nagkaamuyan. Ibig sabihin, ganu’n ka-game yung atmosphere nu’ng Family Feud,” natatawang chika ng mister ni Marian Rivera.
Dugtong pang sabi ni Dong, “Pero siyempre, klaruhin ko lang. Since ano pa rin, may konting ano pa rin… hindi gaya dati puro beso-beso.
“Ngayon, kahit papa’no we still practice yung minimum health protocols, hindi ba? Pero pag-amoy lang naman ng kili-kili, walang problema du’n,” aniya pa.
Sabi pa niya, mas nagiging masaya raw at natural ang mga kaganapan sa bawat episode kapag game na game ang mga players.
“Kakaiba, kasi every episode, ano iyan, four per family. So, walong tao. So, iba-ibang personality iyan. Iba-ibang energy. So, para kang kumikilala ng iba-ibang tao araw-araw. So, sobrang saya.
“Saan ko ba magagawa yun na eight individuals every day ang makikilala mo, at makakasama mo mag-enjoy sa isang show?” aniya pa kung saan magwawagi ng P300,000 jackpot prize ang mananalong team.
Mapapanood na ang “Family Feud” simula sa darating na Lunes, March 21, mula Lunes hanggang Biyernes, bago mag-“24 Oras” sa GMA 7.
https://bandera.inquirer.net/306612/dingdong-dantes-magbabalik-host-ng-family-feud
https://bandera.inquirer.net/303770/lumitaw-ang-may-plano-may-malalim-na-pag-unawa-sa-pamumuno-lumutang-din-ang-gusto-lang-drumibol
https://bandera.inquirer.net/296800/basher-na-nang-okray-sa-kilikili-ni-heart-basag-na-basag-hi-perfect-share-tips-naman