TALAGA palang hiniling at ipinagdasal ng Kapuso actor at TV host na si Ken Chan ang makagawa muli ng isang romantic-comedy series sa GMA 7.
Ayon sa binata, nagsunud-sunod daw kasi ang mga proyekto niya sa Kapuso network na pawang mga heavy drama kaya naman looking forward siyang makagawa uli ng romcom para good vibes lang.
At in fairness, tinupad naman agad ng mga bossing ng GMA ang kanyang wish dahil sa kanya ipinagkatiwala ang bagong GMA Telebabad series na “Mano Po Legacy: Her Big Boss.”
“Second time ko pong gumawa ng isang romantic comedy at looking forward po talaga ako. The first one was ‘Meant To Be’ with Barbie Forteza.
“After noon ang mga ginawa ko na, puro heavy drama. Na-excite po talaga ako na gumawa ulit ng romantic comedy and looking forward talaga ko na gumawa ng mga romantic serye,” kuwento ni Ken sa naganap na virtual mediacon ng “Her Big Boss” recently.
Aniya pa, “Masasabi ko na excited ako at exciting itong ‘Mano Po Legacy: Her Big Boss’ kasi alam naman natin na mahirap ‘yung pinagdaraanan ng mga tao ngayon because of what’s happening.
“Yung pandemya at COVID-19, nandiyan pa rin at nandito ang ‘Her Big Boss’ para pasayahin naman ‘yung mga tao at ‘yung mga Kapuso viewers natin,” chika pa ng aktor.
Sigurado rin daw si Ken na maraming makaka-relate sa kuwento ng “HBB” at tiyak na puro pampa-good vibes lang ang hatid nila sa manonood, bukod pa siyempre sa mga life lessons na kanilang ibabahagi sa bawat episode.
“Kapag uuwi sila galing trabaho, pagod sila galing sa mga stressful na araw nila, mapapanood nila ang ‘Her Big Boss’ na punumpuno ng kulay, punumpuno ng aral.
“It’s a family-oriented show. It’s about love. It’s about forgiveness. Kumpletos-rekados na ‘yung ‘Her Big Boss,” sey pa ni Ken.
“Gusto natin na bigyan ‘yung mga Kapuso viewers natin ng excitement, ng aral at ng lighter na series. Nakikita ko at napapansin ko na ‘yun din ang hinihingi ng mga tao ngayon.
“Gusto nilang makapanood ng isang teleserye na magbibigay sa kanila ng inspiration. I think itong ‘Mano Po Legacy: Her Big Boss’ is a perfect one for them,” pahabol pang pahayag ng binata.
Makakasama ni Ken sa “Her Big Boss”
Makakasama ni Ken dito sina Bianca Umali, Kelvin Miranda, Pokwang, Teejay Marquez at marami pang iba.
Ito ang ikalawang handog ng GMA 7 at Regal Entertainment para sa “Mano Po Legacy”, ang serye na tumatalakay sa iba’t ibang uri ng pag-ibig, pagmamahal sa pamilya at tradisyon ng mga kababayan nating Filipino-Chinese.
Nagsimula na ito kahapon, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad!
https://bandera.inquirer.net/287287/ken-chan-single-pa-rin-wala-naman-pong-pumipigil-pero
https://bandera.inquirer.net/300744/barbie-forteza-patutunayan-ang-pagiging-primetime-princess-sa-mano-po-legacy
https://bandera.inquirer.net/286641/ken-sa-bagong-adbokaserye-ipakikita-namin-ang-tunay-na-pinagdaraanan-ng-taong-may-did