Neri Miranda minaliit ng ilang netizens: Nagtinda rin po ako ng mais, pusit at BBQ sa Mines View

Chito Miranda at Neri Naig lumafang ng street food sa Mines View, Baguio

Chito Miranda at Neri Naiig

MAY mga nangnenega rin pala sa pagiging wais na misis ng aktres at negosyanteng si Neri Miranda.

Ayon sa ilang netizens, naging mabilis lang daw ang tagumpay at pag-asenso niya bilang businesswoman dahil artista siya at asawa pa ng Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda.

Pero mariing pinabulaanan ni Neri na agad-agad ang paglago ng itinayo niyang mga negosyo dahil aniya, nagsimula rin siya sa baba, nagsumikap at nagsipag hanggang sa unti-unting lumaki ang mga ito.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ang misis ni Chito ng kanilang litrato na kuha habang namamasyal sila sa isang tourist spot sa Baguio City.

Aniya sa caption, “Dalaw sa Mines View. Bili bili ng kung ano ano.

“Nung high school ako, nagtinda rin ako ng mais, pusit, at bbq sa Mines View. Malakas din bentahan kapag summer,” simulang kuwento ng aktres.

Patuloy pa niya, “Sabi ng iba, naging madali lang daw para sa akin ang pagnenegosyo kase artista ako at asawa ko si Chito.

“Hindi nila alam, dyan ako nagsimula. Nagtinda sa Mines View at naglako ng mga ulam sa mga office.

“Bata palang, kailangan nang dumiskarte sa buhay. Dito nagsimula ang training kong maging wais,” sey pa ni Neri.

Marami naman ang nag-react sa kanyang inspiring message kabilang na ang mga netizens na nakaka-relate raw sa mga pinagdaanan niya sa buhay. Narito ang ilan sa mga comments ng IG followers ng aktres.


“Girl here to kabsat…me too, they said madali lang sa business pero di nila alam ano napagdaan nung bata pa pasan sa ulo ang mga piling ng saba para ibenta sa offices, itlog at iba pa para makadagdag lang. and now na ako na may sariling business, kelangan maging wais lalo.”

“I think you should use all the advantages that you have. Ganun din naman sa kahit na anong career. What’s important is that you work hard and work smart. Leveraging ang tawag jan and that’s not bad at all. WAIS nga di ba?”

“Andito na si Chito, Chito Miranda. Andito din si Neri nagpapalamig sa Baguio. Magbabagsakan na dito in 1…2…3!”

“Sa totoo lang miss neri tama ang pag nenegusyo talaga at pagkahilig magbenta ng kung ano ano nagsisimula talaga pag bata pa na maruong na dumiskarte madadala mo talaga hanggang sa paglaki… sinubaybayan kita simulat simula kung aan ka nag umpisa hanggang ngayon na successful kana… isa ka talaga sa mga inspirasyon ko miss neri.”

“Hi Neri! Don’t know if you still remember me during Lakambini ng Pilipinas days in Baguio. We had the same talent scout Cez. Hope you’ll come with Chito for their concert here on Dubai on 18th March.”

https://bandera.inquirer.net/296713/neri-may-nakakalokang-kuwento-nang-mag-dinner-date-sila-ng-asawa-haaaaaay-chito-classic-ka-talaga

https://bandera.inquirer.net/281494/bakit-nga-ba-nawala-si-chito-at-ini-report-sa-pulis-ng-pamilya-at-mga-kaibigan-noong-2010
https://bandera.inquirer.net/296849/neri-natuwa-sa-hes-into-her-may-pasabog-tungkol-kina-chito-at-donny

Read more...