ANG bongga-bongga kapag natuloy ang plano ng dating radio DJ na isa nang matagumpay na negosyante ngayong si Rhea Tan na kumuha ng ilang Korean stars para maging brand ambassador ng Beautederm.
Sino nga kaya ang K-drama o K-pop star ang makakahilera nina Marian Rivera, Piolo Pascual, Bea Alonzo, Maja Salvador, Sylvia Sanchez at iba pang big stars sa palaki nang palaking pamilya ng “empire” ni Ms. Rei?
Sa pakikipagchikahan namin sa award-winning lady entrepreneur at kasama ang iba pang miyembro ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa pag-aari niyang AK Guest House sa Angeles, Pampanga, nabanggit nga niya ang tungkol sa good news na ito.
Sabi ng CEO at presidente ng Beautederm, ang susunod na target niya ay magkaroon ng brand ambassador ang kanyang mga produkto na mula sa South Korea.
Sa ngayon ay namimili pa si Ms. Rei sa mga sikat na K-drama at K-pop stars ngayon na papatok at bebenta sa madlang pipol. Napakarami raw kasing choices kaya medyo nahihirapan siya.
Kaya naman wait and see na lang tayo kung sino ang maswerteng Korean artist na mapapabilang sa dumarami niyang celebrity endorsers.
Samantala, excited ding ibinalita ni Ms. Rei ang nalalapit na pagbubukas ng ipinatatayo niyang BD Corporate Office sa Angeles, Pampanga na binisita rin namin last weekend.
“By May magkikita-kita uli tayo, sa grand opening nitong dugo’t pawis na ipinuhunan ko sa pagpapatayo nitong building ko,” aniya habang nakasakay kami sa kanyang coaster at lumilibot sa Angeles para bisitahin ang iba pang properties na nabili niya roon.
Ang BD Corporate Office na may 7 palapag ay ang biggest clinic kung ikukumpara sa mga clinic sa Manila. Ang building ay nakatayo sa 1,000 sq/m, may underground parking at matatagpuan dito ang lahat ng negosyo niya.
“Bale 2 storey ang clinic dahil 20 rooms at bawat room may banyo, lababo, dining, parang condo per clinic. Nandiyan din ang A-List Avenue for my signature bags, clothes etc., at ang dream kong coffee shop na tatawaging Beauté Beanery, mahilig kasi tayong magkape.
“Sa taas may function hall overlooking buong Angeles. May roofdeck na maganda na pwedeng mag-event at may studio rin na may VIP rooms,” kuwento pa ni Ms. Rei na talaga namang pang-“Maalaala Mo Kaya” o “Magpakailanman” ang success story.
Aniya pa, “Ginastusan ko lahat ang buong loob niyan (building), parang five star hotel ang hitsura niya, dahil pinsan namin ang gumagawa ng mga Marriot Hotel na siya ring gumagawa ng building ko.
“Pagpunta mo riyan I make sure na Instagramable ang every corner ng coffee shop ko and ‘yung clinic namin,” sabi pa ni Ms. Rei na nagsimula lamang gamit ang puhunan na P3,500.
Naniniwala kamji na isa sa mga rason kung bakit binabagyo ng blessings si Rhea Tan ay dahil sa walang katapusan niyang pagtulong hindi lamang sa kanyang pamilya kundi maging sa ibang tao.
Sa katunayan, karamihan sa mga nakasama niya sa appliance center na pinagtrabahuan niya noon ay sumama sa kanya—mula sa janitor, guard, finance officer at iba pa. Kaya naman ngayon, 96 na ang kanyang staff (at 100 naman ang kanyang store) na pinatitira niya sa 19 bahay na nabili niya sa kanilang subdivision. Wala pa riyan ang dalawang staff niya na binigyan ng pabahay at kotse.
At kung maraming business ang nagsara noong kasagsagan ng pandemya, mas bumongga pa ang kanyang mga negosyo.
Malaki rin kasi ang pagpapahalaga ni Rhea sa kanyang mga empleyado kaya naman mahal na mahal din siya ng mga ito, “Without them I can’t do it by myself. My times na pwedeng bonding-banding, sabay-sabay kami magpa-petix-petix.”
Sa huli, ibinahagi rin ni Ms. Rei ang isa sa mga sikreto sa likod ng kanyang tagumpay, “Ipinagdarasal ko lahat-lahat at siyempre, kung ano ang mayroon ako, isini-share ko rin. Mahalaga rin na magbahagi tayo sa mga taong tapat at loyal sa atin.”
https://bandera.inquirer.net/298860/andrea-hindi-nagpatumba-sa-mga-pagsubok-rei-tan-bumilib-ibang-klase-ang-katapangan-niya
https://bandera.inquirer.net/281632/ruru-jackpot-sa-career-at-lovelife-puring-puri-ni-rhea-tan-napakasarap-niyang-katrabaho-2
https://bandera.inquirer.net/295649/cassy-umaming-dream-partner-si-alden-excited-na-sa-pagiging-bagong-baby-ni-rhea-tan