Feeling ng mga Marites…Bea boring daw na dyowa, masyadong perfectionist kaya iniiwan ng lalaki

Dominic Roque at Bea Alonzo

Dominic Roque at Bea Alonzo

BORING nga bang girlfriend at sobrang perfectionist ang Kapuso actress na si Bea Alonzo kaya iniiwan daw ng kanyang mga nagiging boyfriend?

Isa lamang ito sa mga tanong ng netizens na diretsahang sinagot ng dalaga sa bago niyang YouTube vlog sa may titulong “Reacting To Mean Tweets About Me.”

Dito sinagot ng bagong Kapuso star ang ilan sa mga hate message at mean comments ng bashers tungkol sa kanyang personal na buhay lalo na sa mga dati niyang karelasyon.

Meron ding mga netizens ang nagbigay ng komento sa pakikipagrelasyon niya sa hunk actor at negosyanteng si Dominic Roque.

Isa sa mga sinagot ni Bea ay ang comment ng netizen na “parang perfectionist” daw siya sa kanyang relasyon at baka ito raw ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi nagtatagal ang pakikipagrelasyon niya.


Pero pagtatanggol ng dalaga sa sarili, hindi naman siya perfectionist dahil kahit siya ay hindi perpektong girlfriend.

“I am not a perfectionist. In fact, I, myself, am not perfect and nobody is perfect, and I don’t strive to be one, nakakapagod siguro yun.

“But I strive to have a comfortable and honest relationship. So, hindi ako perfectionist,” katwiran ng Kapuso star.

Nabanggit din niya na totoong idealistic siya pagdating sa pakikipagrelasyon pero isa sa mga natutunan niya sa kanyang past relationships ay ang pakikipag-compromise.

Pero aniya, mukhang nasobrahan daw yata ito kaya siya pa ang napasama, “Dati, idealistic ako, I have to admit.

“Natutunan ko na ang beauty ng compromise and, sa totoo lang, napasama nga ako dahil I compromised so much in the past, so dapat may boundaries,” aniya pa.

May netizen naman ang nagsabi na mahilig daw kasi siyang sumakay sa mga hilig at hobby ng kanyang mga naging karelasyon kahit hindi naman nakakatulong sa kanya.

Binasa ni Bea ang komento ng netizen, “Wehhh kung anong hilig ng mga jowa mo @beaalonzo hinihilig rin. Seasonal ang hilig walang originality, pag mag break ayaw na rin tpos next hilig ng jowa ganun ulit.”

Hirit ni Bea pagkatapos magbasa, “Ugh, galit na galit siya.”

Paliwanag naman ng aktres, “Well, totoo naman, kung ano yung hilig ng dyowa ko nagiging hilig ko rin.

“Parang gusto kong pasukin yung mundo niya so that I can understand him.

“Like, dati meron akong naging boyfriend, mahilig sa golf, so nag-golf din ako. Meron naman mahilig sa exercise so I got into fitness.

“Ngayon, hindi pa naman ako nagmu-motor, mahilig mag-motor si Dom.

“Pero, I don’t think there’s anything wrong with it. Siguro, hindi niyo lang nakikita na meron din ako na mga hilig or hobbies na nagugustuhan din ng boyfriends ko.

“Feeling ko, wala namang masama doon. It’s about broadening your world,” lahad ng dalaga.

Isa pang mean comment ang binasa niya, “Parang ang boring maging jowa ni Bea.” Bweltang sagot sa kanya ni Bea, “Tanong natin kay Dom! Parang okay naman siya, happy naman siya.”

Sa isang bahagi pa ng vlog, may nagkomento nga na baka raw nasa kanya na ang mali kaya paulit-ulit siyang nabibigo sa pag-ibig. Sey ng dalaga, “Uy, ang sakit naman nun. Sakit naman nu’n.”

Pero seryosong pahayag ng dyowa ni Dominic, “Alam mo, baka tama ka, baka may mali sa akin. Kaya nga ngayon, itinatama ko yung mga mali ko.

“Kasi totoo naman, meron talaga akong mga mistakes na nagawa in the past but that doesn’t justify the fact na nasaktan ako.

“Kung anuman yung mga mali sa akin, itinatama ko because it’s all about owning up to your own mistakes and striving hard to be on the right track and be a better person,” pahayag ni Bea na naging karelasyon din noon nina Gerald Anderson, Zanjoe Marudo at ang yumaong aktor na si Miko Palanca.

https://bandera.inquirer.net/283597/bea-hindi-pa-rin-napapatawad-si-gerald-ayaw-nang-ma-pressure-kung-kailan-magpapakasal

https://bandera.inquirer.net/283809/bea-nakipaglampungan-na-sa-loob-ng-kotse-nanay-nautot-habang-nakikipag-date
https://bandera.inquirer.net/287433/bea-big-blessing-daw-ang-pagiging-kapuso-makatambal-kaya-uli-si-john-lloyd-sa-gma

Read more...