Sue Ramirez umaasang si Javi Benitez na ang the one: Kapag nag-love ako, love ko talaga…sana siya na!

Javi Benitez at Sue Ramirez

Javi Benitez at Sue Ramirez

UMAASA at nagdarasal ang Kapamilya actress na si Sue Ramirez na sana’y ang boyfriend na niyang si Javi Benitez ang kanyang “the one.”

Nakikita na raw kasi ng dalaga ang kanyang sarili na kasama ang aktor for the rest of her life at sa ilang taon ng kanilang relasyon ay mas nakilala pa niya kung anong klaseng tao si Javi.

Ayon kay Sue, marami siyang nakitang magagandang qualities sa kanyang boyfriend na katulad ng sa tatay niya kaya naman naniniwala siya na husband material din ang binata.

“The ideal guy is my dad. He is the best person I know. He’s the smartest. He speaks seven languages. He was a diplomat. He was so, so smart. Sobrang bait na tao.

“All the people that I meet and interact with who had a relationship with my dad before, like a friend or kahit katrabaho, they have nothing bad to say about my dad. Sobrang nakaka-proud,” ang pahayag ng aktres sa panayam ni Karen Davila na mapapanood sa kanyang vlog.

“I hope (siya na ang the one). I am the type of person kasi na kapag nag-love ako, love ko talaga. Sana yun na yun,” sabi pa niya.

Sa tanong kung keri ba niyang iwan ang kanyang showbiz career para suportahan at tulungan si Javi sakaling manalo ito bilang mayor ng Victorias City, Negros Occidental.


Sey ni Sue, feeling naman niya hindi siya pamimiliin ng boyfriend, “The good thing about Javi, he doesn’t bring that up. He understands the work that I do and he knows how much I love my job. He’s not going to let me give it up.”

Katwiran pa niya, “Every time naman that I can, I will be there. But of course, gusto ko rin na ginagawa ko yung gusto ko habang ginagawa niya yung gusto niya.

“And we are young. Ang dami pa naming plano. Tanggap ko talaga na ang priority niya, of course he’s running for mayor, so ang priority niya talaga is the city. Ibibigay ko yun sa kanya. Hindi ako magde-demand. He treats me the same way,” dagdag pang pahayag ng “The Broken Marriage Vow” star.

Sabi pa ni Sue, “Kapag usapang trabaho, iba na yun. Siguro in the future, magkakaroon kami ng mas maraming time together. Pero for now, we are trying to establish yung ikaw lang mag-isa habang kayong dalawa.”

Matatandaang ipinakilala si Javi Benitez bilang Star Magic artist noong May, 2019 at nakasama sa mga Kapamilya primetime series na “The General’s Daughter” at “Walang Hanggang Paalam.”

Nagkakilala at nagkadebelopan sina Javi at Sue habang ginagawa nila ang action movie na “Alpha Kid One” sa direksyon ni Richard Somes.

https://bandera.inquirer.net/303623/sue-ramirez-handa-na-nga-bang-lumagay-sa-tahimik-kasama-ang-dyowa

https://bandera.inquirer.net/303416/sue-pinakakalma-ni-jodi-kapag-umiiyak-hindi-siya-nagagalit-palagi-lang-siyang-kalmado

https://bandera.inquirer.net/298703/lolit-solis-nag-sorry-matapos-manawagan-na-itigil-na-ang-lunch-out-loud

Read more...