Sue Ramirez inalala ang pagkakasakit ng ama: Daddy’s girl kasi ako kaya talagang apektado ako

Sue Ramirez

Sue Ramirez

CERTIFIED pet lover si Sue Ramirez dahil nang magkita sila ni Karen Davila sa Nielson Tower Park ay dala ng news anchor ang tatlong alaga niyang Pomeranian.

Ang isa sa mga dogs ni Karen ay Lexi ang pangalan na ikinatawa ni Sue dahil ito ang karakter niya sa umeereng teleseryeng “The Broken Marriage Vow” kasama sina Jodi Sta. Maria at Zanjoe Marudo.

Pinaghahalikan muna ni Sue ang fur babies ni Karen at nabanggit niyang may alaga rin siyang siyam na aso at pitong pusa.

Pinuri ni Karen ang aktres dahil nakita niya kung paano nito sinalubong ang mga alaga niya, “Kaya po siguro Sue ang pangalan ko kasi gusto kong magkaroon ng zoo. Ha-hahahaha!” tumawang sabi ng aktres.

Esplika niya, bata pa lang siya ay sanay na siyang may mga alagang hayop dahil binibilhan siya ng tatay niya noon tulad ng love birds, hamster at iba pa.

“Nakapag-alaga na po ako ng iba’t ibang mga hayop, I’m into venture of taking care of pigs also, mga fat belly na pig,” kuwento ni Sue.

Sa simula ay isa lang ang alaga hanggang sa dumami na, “Grabe rin kasi ‘yung mga aso Ms. Karen the way they greet you. Pag-uwi mo nakakawala talaga ng pagod especially pag galing ako ng taping.”

Aminadong hindi lumalabas si Sue para gumimik dahil mas gusto niyang makasama ang mga pet niya sa bahay, “I have small dogs like Corgi, Yorkie, Toy Poodle, Pekinese.  Pero when I was growing up, my first ever dog is Aspin,” kuwento ng aktres.

Pero alam n’yo ba na hindi ang pag-aartista ang pangarap ni Sue noon dahil anim na taon pa lang siya ay may sakit na ang amang si James Peter Dodd, retired senior officer ng US State Department (miyembo ng gabinete).

“When I grew up kasi my father was sick since I was six years old, parang it automatically comes into mind gusto mong maging doktor pag mayroong may sakit sa pamilya.

“But eversince I’m mestiza, foreigner ‘yung daddy ko sinasabi sa akin ng mga kamag-anak namin palagi na ‘mag-artista ka, mag-audition ka ganyan-ganyan,’” kuwento ng aktres.

Dagdag pa ni Sue, masyado silang naapektuhang pamilya nang iuwi ng Pilipinas ang ama na naka-wheel chair na, hindi nakakapagsalita dahil na-stroke.

“Daddy’s girl ako, e, ako ‘yung bunso kaya talagang apektado ako. Nagbago lahat tapos lima po kaming nag-aaral and of course ‘yung mom ko affected. It lasted for 11 years Ms. Karen it’s very, very heartbreaking to watch,” balik-tanaw ni Sue.

Gustung-gusto niyang tumulong noon pero hindi niya alam sa anong paraan hanggang sa nakita niya ‘yung commercial ng Star Magic na may pa-audition na pipila ka. First time ko ever wala akong background sa commercial o showbiz wala akong kakilala. Sabi ko sa mga ate ko, ‘try ko kaya mag audition?’

“April, 2010 po ito Ms. Karen and I’m 13 (years old), pumila ako, pang-679 ako na mas marami pang pila after me. Wala akong pera, walang cellphone so pagpasok ko resume lang dala ko,” kuwento ng aktres.

Nabanggit pa na nagkuwanring mag-audition din ang kapatid niya para lang abutan siya ng cellphone at binigyan ng P100 para may pambili ng pagkain. Walang naramdamang pagod, gutom o anuman daw noon si Sue na pakiwari niya ay iniadya ng Panginoong Diyos na manatili siya roon.

Hanggang sa napasama na si Sue sa maraming teleserye ng ABS-CBN at una na riyan ang “Mula sa Puso” noong 2011.

Hindi rin siya kaagad naghangad ng bida role dahil ang pagpapalaki sa kanila ng magulang ay, “Ang mindset ko kasi at pagpapalaki sa amin ‘yung mga bagay na dumarating sa buhay mo, saktong-sakto lang ‘yung timing palagi.  Kahit noong bata ako kahit hindi ako bida (school activites) hindi sumasama ang loob ko.  Pakiramdam ko dati parang naglalaro ako na pupunta sa taping,” anang aktres.

Plano na raw niyang huminto noon sa showbiz nang tumuntong siya ng 17 dahil gusto na niyang bumalik sa pag-aaral pero naisip niya ang gaganda ng ibinibigay sa kanyang projects tulad ng “Pangako sa Yo” nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, “Dolce Amor” at iba pa.


“Sabi ko pag hindi na ako binigyan ng ABS ng project mag-aaral na lang ako ulit, kaso Ms. Karen (sabay iling) hindi ako nawalan ng project as in dire-diretso po talaga, sobrang grateful po talaga ako. Hindi ko iniisip na support ako kasi ini-enjoy ko lang talaga ‘yung ginagawa ko.  hindi ko rin hinangad na maging bida,” pagtatapat ni Sue.

At ang unang pelikulang ni Sue na siya na ang bida ay ang “Babaeng Allergic sa Wifi” na kasama sa 2018 Pista ng Pelikulang Pilipino.

Sa kasalukuyan ay napapanood siya sa seryeng “The Broken Marriage Vow” na bagay na bagay sa kanya ang role bilang si Lexy na ka-love triangle nina Jodi at Zanjoe. Napaka-effective ng karakter niya dahil maraming galit sa kanyang viewers.

“11 years in the industry and you get your biggest break, Broken Marriage Vow. You play across Jodi Sta, Maria and Zanjoe Marudo. You were not the likely choice immediately but apparently you were the perfect choice, I was told,” sabi ni Karen kay Sue.

Bakit tinanggap niya ang role? “Kasi Ms. Karen kampante na ako na hindi magagalit sa akin ang tao kasi kilala nila ako kung sino si Sue, so, they can differentiate si Sue at si Lexy. May nakikita akong comment na, ‘Sue ang ganda-ganda mo, pero nagagalit ako sa ‘yo sa TBMV’ mga ganyan.

“So, ‘yung audience pag hindi nila kilala ‘yung tao, mas easier for them to hate,” pahayag pa ng dalaga.

Kakayanin mo ba ang ginawa ni Lexy? “Ha-hahaha! Most definitely not!  Do not do unto others what you don’t want others do unto you.  We go to the basic, we go the page one,” diretsong sabi ni Sue.

https://bandera.inquirer.net/303623/sue-ramirez-handa-na-nga-bang-lumagay-sa-tahimik-kasama-ang-dyowa

https://bandera.inquirer.net/303416/sue-pinakakalma-ni-jodi-kapag-umiiyak-hindi-siya-nagagalit-palagi-lang-siyang-kalmado

Read more...