HINDI isinasara ni Nadine Lustre ang kanyang pinto sa posibilidad na muli silang magtambal ng kanyang ex-boyfriend na si James Reid.
Ito ang ipinahayag ng award-winning actress sa muli niyang pagharap sa entertainment media nitong nagdaang Huwebes, March 10 para sa virtual mediacon ng bago niyang pelikula sa Viva, ang “Greed.”
Makakasama niya sa Vivamax original movie na ito sa kauna-unahang pagkakataon si Diego Loyzaga, sa direksyon ni Yam Laranas.
Ayon sa dalaga, umaasa siya na ito na ang simula ng muli niyang pagiging aktibo sa paggawa ng pelikula, “Definitely, I can finally say na tuloy-tuloy na ‘to. Of course, gusto ko na talagang bumalik sa acting scene.
“This is really something that I enjoyed doing. I’m really happy because this time around, everyone is really tying to make an effort into changing the genres and the stories that are being given to me.
“May effort na gusto talaga namin this time, ibang klaseng pelikula na ang gagawin ko. Before, sunod-sunod nga pero pare-pareho naman with rom-coms and dramas. Sana naman. I will be given more intense stories, so super exciting ang gagawin ko,” pahayag pa ni Nadine.
Dito nga nasabi ng aktres na kahit nasa Amerika ngayon ang dating ka-loveteam at ex-boyfriend na si James Reid, posible pa rin namang magsama sila sa isang project in the future.
“I think it really depends at the end of the day. Si James has been very explorative with all of the things he wants to do. Let’s see. If there’s a good script, he’s probably game to do it. For now, I guess he really wants to focus more on his music,” aniya.
Nagpasalamat din si Nadine sa lahat ng kanyang loyal fans na hindi bumitiw ng pagsuporta sa kanya mula noon hanggang ngayon.
“Love na love ko silang lahat dahil ang dami nating lahat na pinagdaanan the last four or five years. I guess bumagal ang takbo ng mga career ng maraming mga artista at tao sa industry.
“Sobrang grateful ako at sobrang swerte ko dahil nandiyan lang lahat ng fans ko with whatever decision I made with my life. Sobrang supportive sila talaga. At the end of the day, gusto lang talaga nila masaya ako. Na-appreciate ko sila talaga,” mensahe pa niya.
Samantala, nang unang mabasa ni Nadine ang script ng “Greed,” talagang nagustuhan na niya agad ang kuwento, “Naisip ko sa sarili ko, this is really happening finally. Something that is not rom-com or not drama. It’s very bloody and violent. Walang censor si Direk Yam. He does everything and anything for art.”
Mapapanood na ang “Greed” simula sa March 16 sa Vivamax Plus.
https://bandera.inquirer.net/290169/james-hindi-excited-makita-si-nadine-na-may-kasamang-ibang-lalaki-but-i-want-her-to-be-happy
https://bandera.inquirer.net/282916/bwelta-ni-andrea-kay-derek-if-he-truly-respects-me-and-my-family-let-us-have-our-peace
https://bandera.inquirer.net/306204/james-reid-nilaglag-daw-ng-tatay-basag-na-basag-sa-mga-bashers