Kyline may 3 espesyal na katangian na bet na bet ni Mavy; Mikael, Megan may ipakikilalang beauty queen sa ‘The Best Ka’

Mavy Legaspi, Kyline Alcantara, Megan Young at Mikael Daez

Mavy Legaspi, Kyline Alcantara, Megan Young at Mikael Daez

BILIB na bilib ang Kapuso TV host-actor na si Mavy Legaspi sa pagiging responsible and hardworking ng kanyang rumored girlfriend na si Kyline Alcantara.

Ayon sa binatang anak ng celebrity couple na sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi may tatlong espesyal na katangian ang kanyang ka-loveteam na talagang hinahangaan niya nang bonggang-bongga.

Sa isang press interview, sinabi ni Mavy na may tatlong qualities si Kyline na nadiskubre niya nang magsimula ang kanilang espesyal na relasyon na nagbibigay sa kanya ng inspirasyon lalo na sa trabaho.

“Yung pagiging bubbly niya at energetic, at pagiging hardworking. Sobrang nakaka-inspire at nakaka-push rin sa sarili na you have this bubbly person in your life na super energetic,” lahad ng binata.

“Nakikita mo ‘yung focus and shift ng attitude niya towards work, and she also enjoys it.

“Iyan ‘yung pinakagusto kong characteristics sa kanya, na she loves her job so much na it doesn’t seem like work. That inspires you to work even more, at the same time enjoy the things that you love,” papuri pa ni Mavy kay Kyline.

Katatapos lamang ng teleserye nina Mavy at Kyline na napanood sa GMA Telebabad  ang “I Left My Heart in Sorsogon” at dahil sa mainit na pagtanggap ng manonood sa kanilang loveateam, siguradong ngayon pa lang ay nagpaplano na ang GMA para sa susunod nilang proyekto.

* * *

Tutukan ang isa na namang exciting na episode ng “The Best Ka!” tonight sa GMA 7.

Mga best, samahan sina Mikael Daez at Megan Young na kilalanin ang tallest at smallest people at animals sa buong mundo na tiyak na hahangaan natin dahil sa kakaiba nilang mga kuwento.

Siguradong muli kayong mamamangha sa mga natatanging talento at kakayahan na maaaring magsilbing inspirasyon sa mga taong may kaparehas na kalalagayan.

Isang hindi pangkaraniwan at nakaka-in love na beauty queen din ang inyong makikilala sa pinakabagong episode ng naturang programa. Sino siya at ano ang mga kaya niyang gawin?

Sabay-sabay na mamangha at maaliw sa “The Best Ka!” tuwing Linggo, 3:50 p.m. sa GMA 7.

https://bandera.inquirer.net/304908/ruru-kay-kylie-sobrang-espesyal-mo-sa-akin-malaking-factor-ka-sa-buhay-ko

https://bandera.inquirer.net/305133/annabelle-rama-bet-na-bet-ang-special-someone-ni-ruffa-magkakampi-talaga-sila-ngayon

https://bandera.inquirer.net/305836/maxene-nagpayo-sa-mga-laging-nganga-tuwing-valentines-day-love-is-all-around-us

 

Read more...