John Lloyd hindi pa exclusive sa GMA, pero second season ng ‘Happy ToGetHer’ kasado na

John Lloyd Cruz

John Lloyd Cruz

KUMPIRMADO nang magkakaroon ng second season ang sitcom ni John Lloyd Cruz sa GMA 7 na “Happy ToGetHer”.

In fairness, mula nang magsimula ito bago matapos ang 2021 ay talagang hataw kung hataw sa ratings game ang unang programa ni John Lloyd sa Kapuso networks makalipas ang ilang taong pamamahinga sa showbiz.

Sa isang panayam, nabanggit ni Lloydie na wala pa siyang exclusive network contract sa GMA pero may in-offer na sa kanya ang management na dalawang TV series.

Kaya sa naganap na virtual mediacon kahapon ng GMA kasama ang ilang mga executives ng network ay tinanong kung kailan ba pipirma ang award-winning actor ng exclusive contract.

“Sabihin na natin na nag-e-enjoy kaming kasama si John Lloyd, I’m sure. Gusto namin siya, and marami kaming ipini-pitch sa kanya na projects, ang ETV. Yung Happy ToGetHer is going to have a second season,” pahayag ni GMA First VP for Program Management Department Joey Abacan.

Aniya pa, “So, ibig sabihin nu’n, kasama pa rin namin siya. So, sana, huwag na muna siyang umalis, di ba? I’m sure, ayaw n’yo rin yun! Gusto n’yo rin siyang manatiling Kapuso!”

Bukod sa dalawang teleserye, plano ring ipag-produce ng GMA Films ng pelikula si John Lloyd, “We’re working on something with him right now. So, nandiyan lahat, basta nandiyan lang si John Lloyd. Abot-kamay lang siya.

“So, keri iyan. Very creative din si John Lloyd. Kung anong maisip niya, ibinabato namin kina Nessa at Lilybeth, baka meron silang magawa.

“Pero at this point in time, we take everything a day at a time. Happy kami with what he’s actually doing,” sabi pa ni Joey Abacan na ang tinutukoy na Nessa at Lilybeth ay sina Nessa Valdellon, ang GMA First VP for Public Affairs, at Lilybeth Gomez-Rasonable, GMA Senior VP for GMA Entertainment Group.

Isa siyempre sa mga nais makatrabaho ni John Lloyd sa GMA ay ang bagong Kapuso actress na si Bea Alonzo pero mukhang imposible pa itong mangyari sa ngayon dahil sisimulan na nila ni Alden Richards ang Philippine adaptation ng hit Korean drama na “Start-Up.”

Sa hiwalay na panayam, nasabi naman ni Rambo Nuñez ng Crown Artist Management (CAM), ang namamahala ngayon sa career ni Lloydie na marami silang plano para sa aktor.

“Merong lumalabas na meetings, of course. Very okay lang naman if you contextualize it. Maraming napag-usapan na okay. So, parang yun na lang,” sabi ni Rambo na boyfriend ni Maja Salvador at may-ari rin ng CAM.

“Maraming development, we need to see the script siguro. Pero, we’re very open to work with everyone. That’s what we’re pushing sa Crown na, yun nga, pag may magandang material, di ba?

“Sa panahon ngayon, digital age, social media, content driven, di ba? It’s very empowering for the artist also, na content ang nagpapatakbo ng career nila. Na pag may magandang project, open yung doors namin, our ears are open, our eyes are open, and yun, I guess, kung i-contextualize, we’re okay.

“Every meeting that we have, marami talagang okay because of the opportunity na ibinibigay, of course, specifically to John Lloyd and the rest of the artists,” pahayag pa ni Rambo.

https://bandera.inquirer.net/289568/rason-ni-john-lloyd-kaya-nagbalik-showbiz-gusto-ko-makita-ako-ng-anak-ko-na-nagtatrabaho

https://bandera.inquirer.net/289568/rason-ni-john-lloyd-kaya-nagbalik-showbiz-gusto-ko-makita-ako-ng-anak-ko-na-nagtatrabaho
https://bandera.inquirer.net/301797/john-lloyd-may-mas-malalim-na-dahilan-kung-bakit-tinanggap-ang-offer-ng-gma-7

Read more...