HUMINGI ng tawad ang dating chief presidential legal counsel at senatorial candidate na si Salvador Panelo kay Megastar Sharon Cuneta.
Hindi kasi nagustuhan ng Megastar ang ginawang pagkanta ng senatorial candidate sa isa sa mga iconic songs niya na “Sana’y Wala Nang Wakas” sa nangyaring campaign activity ng vice presidential candidate at kasalukuyang Davao City Mayor Sara Duterte sa isang hotel sa Quezon City.
“I’m sorry she feels that way. It’s one of my favorite songs because it reminds me of the great lengths I took to care for my late son, Carlo, who had down syndrome. I honor nim each time ai sing the song,” saad ni Panelo.
Ang anak na tinututukoy ng senatorial candidate at si Salvador Carlo Panelo III na pumanaw noong 2017 sa edad na 27 dahil sa heart complications.
“I also thought I was paying homage to the late Willy Cruz and of course, Ms. Sharon Cuneta, by singing it. I wasn’t profiting from it, and certainly not trying to get electrd by singing it.
“I was just trying to entertain people who took time out of their busy lives to see and listen to us. I don’t understand what’s so offensive about that,” pagpapatuloy ni Panelo.
Bukod pa rito, nagpaalam daw ang senatorial candidate sa copyright owner ng kanta, ang Viva Records, at sinabing pinayagan raw siyang kantahin ang naturang awitin.
Matatandaang nitong Huwebes, March 9, nagpahayag si Sharon Cuneta ng kanyang pagkadisgusto sa ginawa ni Panelo na pagkanta ng kanyang awitin nang walang pahintuloy mula sa kanya.
“WHY?!!!Tell me WHY?!!!I gotta fight for my song’s rights as well as Willy Cruz’s who wrote it! Cannot be. Di dapat sinisira ang isang classic. Basta TAYO ANG AT MAY ORIG! Oh please WE HAVE NOT ALLOWED YOU TO USE OUR SONG! Please stop. Nakakaawa naman ang kanta namin at nakakahiya,” saad ng Megastar.
WHY?!!!Tell me WHY?!!!I gotta fight for my song’s rights as well as Willy Cruz’s who wrote it!Cannot be.Di dapat sinisira ang isang classic. Basta TAYO ANG AT MAY ORIG!Oh please WE HAVE NOT ALLOWED YOU TO USE OUR SONG!Please stop. Nakakaawa naman ang kanta namin at nakakahiya
— Sharon Cuneta (@sharon_cuneta12) March 10, 2022
Nagbabala rin si Sharon na huwag nang muling gamitin o kantahin ang kanyang mga iconic songs pero base kay Panelo ay patuloy pa rin niya itong kakantahin.
““I will continue to sing it, and will now use it to raise awareness for the plight of children with special needs. As the song goes: ‘Kahit ilang awit ay aking aawatin, hanggang ang himig ko’y maging himig mo na rin,” sey pa ni Panelo.
Isa sa mga nais isulong ni Panelo sakaling manalo ay ang
Sa ngayon ay kasalukuyan namang nasa Bacolod si Sharon para sa kampanya nina VP Leni Robredo at ng asawang si Kiko Pangilinan.
Related Chika:
Sharon Cuneta naimbyerna kay Panelo sa pagkanta ng ‘Sana’y Wala Nang Wakas’: You don’t mess with a classic