Derrick Monasterio mas handa nang sumabak sa matitinding role dahil sa pa-workshop ni Ana Feleo

Derrick Monasterio

MAS naging confident pa ang Kapuso hunk na si Derrick Monasterio matapos mag-join sa acting workshop na pinamumunuan ng character actress na si Ina Feleo.

Nagbigay ng updates ang binata sa kanyang mga tagasuporta at followers sa social media tungkol sa mga bagong kaganapan sa buhay at career niya nitong mga nagdaang araw.

At isa nga riyan ang pag-join sa acting workshops ni Ana Feleo kung saan mas napalawak niya ang kaalaman sa tamang akting para sa iba’t ibang karakter.

Sa isang video na naka-post sa YouTube channel ng Sparkle nabanggit ni Derrick na, “I discovered that I can be more open, I can be more vulnerable. I can use everything if it’s like a big emotion if it’s a small emotion, I can use it to channel real emotions.”

Talagang nailabas daw ng binata ang iba’t ibang emosyon sa bawat session na kanyang pinuntahan kaya naman bilib na bilib na siya ngayon kay acting coach Ana Feleo.

Nagustuhad din niya ang style ng pagtuturo ng aktres, “All of my sessions, for me, are really memorable kasi ang galing ni Ms. Ana magturo, e.

“Every single thing that she says talagang nilalagay ko ‘yun sa utak ko and for me every session is memorable,” pahayag pa ni Derrick.


Naniniwala naman ang Kapuso actor na pagkatapos niyang sumalang sa nasabing acting workshops, mas magiging madali na sa kanya ang pagganap sa iba’t ibang role.

“It’s easy for me to dive into the scene more and the preparation for me takes a short time. I think for me that’s one of my successes,” aniya pa.

May mensahe rin ang binata sa lahat ng mga gustong mag-enrol sa pa-acting workshop ni Ana na siya ring magiging head teacher para sa upcoming Sparkle Prime Workshop.

“I know that some of you are scared pero with Ms. Ana’s guidance, you guys can do it. You can trust her. I am sure you’ll learn,” sabi pa ni Derrick.

https://bandera.inquirer.net/298953/derrick-monasterio-nagetsing-ang-atensyon-ni-ricky-martin-follower-na-niya-sa-ig

https://bandera.inquirer.net/291737/derrick-gustong-maging-katulad-ni-hidilyn-diaz-super-idol-si-richard-gomez

https://bandera.inquirer.net/300769/kit-thompson-may-padyowa-reveal-kinantiyawan-ng-mga-kaibigan

Read more...